Saturday , November 16 2024

Lumarga kahit ECQ 35 sugarol nasilo (Kampanya kontra sugal pinaigting sa Bulacan)

NADAKIP ng mga awtoridad sa pinaigting na anti-illegal gambling operations hanggang nitong Lunes, 5 Abril, ang 35 kataong imbes manatili sa bahay dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) nagawa pa rin magsugal sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaktohan ang 25 sa mga naaresto sa tupada o ilegal na sabong sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng Doña Remedios Trinidad MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Balagtas MPS, at Bulacan 1st PMFC, San Jose Del Monte CPS, 2nd PMFC at Regional Mobile Force Battalion 3, Norzagaray MPS at Bocaue MPS sa Brgy. Tukod, San Rafael; Brgy. Pulong Sampalok, Doña Remedios Trinidad; Brgy. Borol 1st, Balagtas; Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte; Brgy. Minuyan, Norzagaray; at Brgy. Batia, Bocaue, pawang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang mga nasilat na suspek na sina Erwin Calderon, Andy Mateo, Bishmark Montaño, Michael Trinidad, Alejo de Belen, Marcelino Pascual, Ignacio Castro, Hernando Perez, Lie Lomosad, Khimeziekil Anzures, Joseph Sadio, Reynaldo Bayot, Valentin Boboyo, Niño Dennes Rebualos, Henry Almonte, Suhrab Suplito, Jr., Reynante Rosalejos, Cris Altarejos, Sherwin Elaurza, Martin Benting, Efren dela Torre, Nelson Andia, Felipe Lajot, Leonardo Kasama, at Erneo Biscoro.

Nakompiska ng mga awtoridad sa operasyon ang may kabuuang P12,710 bet money, 13 manok na panabong, dalawang patay na manok na panabong, at iba pang gambling paraphernalia.

Samantala, naaresto ang pitong iba pang suspek ng mga tauhan ng Bocaue MPS matapos maakto­hang nagsusugal ng tong-its sa Brgy. Lolomboy, sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Alex Policarpio, Angelica Pantaleon, Rosita Hipolito, Teresita Mejares, Maricel Complido, Rolando Mar­tinez, at Rolly Tamblique.

Narekober mula sa kanila ang dalawang set ng baraha, at cash money na nagkakahalaga ng P2,090 sa iba’t ibang deno­minasyon.

Gayondin, nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Norzagaray MPS ang tatlo pang suspek dahil sa ilegal na paglalaro ng Bingo sa Brgy. Matictic, sa bayan ng Norzagaray.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Marissa Cayetano, Crisanta Tumangan, at Francia Altarejos, habang nasam­sam mula sa kanila ang mga gambling paraphernalia tulad ng rattan bingo shaker, bingo cards, at cash bet money.

Inihahanda ang pagsasampa ng kauku­lang kaso laban sa mga suspek na kasalukuyang nasa custodial facility ng Norzagaray MPS.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *