Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lugaw, magsilbing aral sa mga kapitan

HINDI na bago ang insidente sa Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan.

Tinutukoy natin ang naging trending na lugaw, kung essential ba ito o hindi.

Pagkain kaya…ano? Meaning essential po.

Ano pa man, humingi na rin si “Manang Lugaw” este ang babaeng volunteer o tanod na humarang kay Kuya Delivery — sa pagkakamaling pagharang at pagpilit na hindi essential ang lugaw.

Pero tuloy pa rin ang pagsasampa ng reklamo ni Kuya Delivery Boy sa reklamo laban sa babae dahil sa nangyaring pangha-harass sa kanya. Napanood naman ninyo siguro kung paano napahiya at na-harass ang delivery boy ng lugaw.

Talagang ipinagpipilitan ng babaeng tanod ang kanyang ‘kamalian’ – kung baga, ipinakikita rito ng babae na nasa lugar siya o may ‘kapangyarihan’ siyang harangin ang lugaw. Nasa posisyon kung baga e, tanod kasi.

Nagpakumbaba na lamang si Mr. Delivery Boy dahil wala na talaga siyang magawa sa makapangyarihang si Tanod Girl.

Bagamat kahanga-hanga naman si Aleng Tanod dahil sa bandang huli – makalipas ang ilan oras ay natauhan siya. Marahil ay napangaralan na essential si Delivery Boy este, ang LUGAW.

Hindi lang natauhan, humingi na rin siya ng dispensa sa kanyang pagkakamali. Nagpakumbaba na rin siya. Saludo po ako sa inyo Manang Tanod. Ngayon, at least nadagdagan ang kaalaman ni Manang Tanod hinggil sa lugaw. Kaya huwag siyang pagtawanan dahil ang lahat naman ay nagkakamali.

Nagtataka kayo siguro kung bakit tinalakay pa natin ito bagamat medyo palipas na ang isyu. Tama kayo riyan, since humingi na ng tawad si Aleng Tanod dapat ay hindi na pag-usapan ito.

Well, ang punto natin ngayon sa nangyari – tulad nga ng sinabi ko na hindi na bago ang  insidente. Hindi ang hinggil sa lugaw ha. Kung hindi, ang insidente sa nangyaring pagmamatigas ni Aleng Tanod.

Maraming tanod saan man sulok ng bansa ang tingin nila sa kanilang sarili ay kung sino na kung umasta. Feeling nila makapangyarihan na sila. Marami sa kanila ang abusado. Porke tanod o tila bata na ni Kapitan ay ganoon na lamang silang umasta – siga na sa lansangan.

Klarohin natin ha, hindi ko sinasabing abusado si Aleng Tanod pero, ano sa tingin ninyo ang kanyang ipinakita? Abusado ba siya? Hindi naman siguro at sa halip, ipinilit lang niya ang kanyang nalalaman hinggil sa lugaw. Pero nag-sorry na ang ale ha.  Marunong kumilala sa pagkakamali.

Kaya, para sana hindi na maulit ang lahat, dapat suriing mabuti ng mga Kapitan ang mga kukunin nilang volunteers  o ano man sa barangay na magbibigay serbisyo sa taongbayan. Hindi iyong porke inirekomenda ng kaibigan ay puwede na.

Kung hindi man, dapat ay bigyan sila ng sapat na orientation – seminars, etc. At higit sa lahat ay sabihan ang volunteers na huwag abusuhin ang katiting na posisyon.

Dito nga sa amin, naku po, daming taga-barangay – tanod, enforcer at iba pa na abusado. Kung umasta ay daig pa nila ang president ng bansa. Siga-siga sa lansangan. Kung magpatakbo ng barangay vehicle animo’y kanila na ang lansangan. Bukod sa marami pa sa kanila ang nangunguna sa paglabag sa health protocols ngayong pandemya.

Kaya magsilbing aral sa mga Kapitan ang nangyari sa Muzon…bigyan ng sapat na orientation o kaalaman ang mga tauhan at sabihang ‘wag abusuhin ang katiting na posisyon.

Sa iyo naman Manang Tanod, sadyang napahintulutan ang nangyari sa inyo upang magising ang mga Kapitan ay nakita nila ang kanilang mga pagkukulang pagdating  sa kanilang mga tauhan sa barangay.

Saludo rin po ako sa inyo Manang Tanod sa pag-sorry at pagkilala rin sa inyong pagkakamali. O, ano patawarin na po niyo si Manang Tanod…lahat po tayo ay nagkakamali.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …