Sunday , December 22 2024

Covid-19 response ng national gov’t, turo-turo system? (Lockdown o quarantine lang ba ang solusyon?)

HABANG pinakikinggan natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Malacañang Virtual Press Briefing kahapon, bigla nating naalala ‘yung mga carinderia na ang sistema ng pag-order ng mga customer ay ‘turo-turo system.’

Bigla kasi tayong nalito sa sagot niya sa tanong na bakit maraming pasyente ang namamatay habang naghihintay na i-admit sa ospital? Bakit hindi handa ang gobyerno sa muling pagsirit ng bilang ng CoVid-19 cases?

Bigla ba namang tumirada ng sagot si Usec. Vergeire, handa naman daw ang gobyerno, ‘yung nga lang hindi raw nila inaasahan ang biglang pagtaas o pagsirit ng mga kaso ng CoVid-19.

Unang sinisi ni Vergeire ‘yung ‘punyetang’ variants na may increased transmissibility of 6 to 9 times daw.

Kung normal lang daw ang sitwasyon, hindi ganoon ang mangyayari kasi naabot namad daw ng Department of Health (DOH) ang “mandated 20% or 30% in private facilities for the number of COVID beds,” sabi ni Vergeire.

Kaya lang minalas daw, tumaas at bumilis ang pagkalat ng punyetang ‘variants.’

“…and the spread has been tremendous that is why the numbers of cases have increased this much,” ‘yan ang ‘napakainam’ na statement ni Usec. Vergeire.        

Gusto ba nating matawa, mga kabulabog?! O gusto na nating maiyak kung paano magpalusot ang mga awtoridad na enkargado sa ‘pandemyang’ nananalasa mahigit isang taon na.

Hindi na natin maintindihan kung ‘yung ‘pandemya’ pa ba ang dahilan ng gutom, desperasyon, eksasperasyon, pagkabalisa, at iba pang emosyon o pakiramdam, o ‘yung ‘tugon’ ng gobyernong ito laban sa CoVid-19?

Handa naman daw pala…

E bakit nga walang sumasagot sa “One Hospital Command” kapag tumatawag ang mga nangangailangan ng tulong dahil mayroon na silang CoVid-19 patients na kailangang dalhin sa isolation centers o kaya ay kailangan nang dalhin sa ospital?!

Uulitin lang natin ang tanong: “How come the government wasn’t ready?”        

‘Yung ‘variants’ pa rin ba ang dapat sisihin, Usec. Vergeire?

Ang sagot: may iba pa raw dahilan kung bakit sumirit ang bilang ng mga CoVid-19 cases.

At ‘yan ay walang iba kundi ang mga pasaway o ‘yung mga lumalabag daw sa health protocols.

Mabilis na nga raw ang transmisyon ng mga bagong variants, e marami pang pasaway, kaya ‘yan, sumirit daw ang CoVid-19 cases.

O ‘di ba, ‘turo-turo’ system na, teoryang manok at itlog pa.

Kaya ba lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ang solusyon ng gobyerno?

Isara ang lahat, kalsohan ang ekonomiya para manigas sa gutom ang maraming mamamayan?

Wattafak!

Sa laki ng pondong inutang o inilabas ng adminsitrasyon — hindi po milyon-milyon kundi bilyon-bilyon — hindi ba nakabuo ng lohikal na solusyon ang National Task Force (NTF) para tugunan ang pandemyang dulot ng CoVid-19?!

Sa Russia, isa lang ang czar sa isang panahon, dito sa Filipinas, kung kailan may pandemya, sandamakmak ang ‘pinutungan ng korona’ para maging czar — testing czar si Vince Dizon, contact tracing czar si Benjie Magalong, vaccine czar si Carlito Galvez, Jr., isolation czar si Mark Villar, at bukod pa riyan, ang sandamakmak na mga epal czar — na talaga namang nakaaasar.

Sa ibang bansa, ang binibilang na ngayon ay kung ilang milyon na ang nababakunahan. Dito sa Filipinas, pinagtatalunan pa rin kung ano ang isa-swab test, at kung libre ba o hindi ang swab test.

Hindi po libre, dahil ang ipinambabayad ay ‘yung kontribusyon natin sa PhilHealth.

Paanong magkakaroon ng kompiyansa sa bakuna ang mga Filipino, kung simpleng mass swab testing ay hindi nagawa ng mga awtoridad?

Mukhang dispalinghado rin ang datos ng IATF dahil hindi maideklara kung ang pagsirit ng CoVid-19 cases ngayon ay second wave o third wave na ba?

At ang lalong ‘kakatwa’ walang siyentipikong eksplanasyon kung bakit dumami ang variants sa Filipinas?!

Nanganganak ba o nagmu-mutate ang variant/s kaya dumarami at patuloy na nanalasa?!

Sa kasalukuyang panahon, kung asymptomatic ang isang pasyente, dapat pa ba siyang magpunta sa ospital gayong ang daming namamatay sa kahihintay? Dapat ba siyang mag-home quarantine? Paano ‘yung bahay na may apat na sulok lang at nandoon na lahat? Doon ba sila magka-quarantine?

Ano na ang nangyari sa mga quarantine facilities na ginastusan ng gobyerno?! Functional ba ang mga ginawa ninyong isolation o quarantine facility Secretary Villar? Ang dami niyan ‘di ba? Bakit sa ospital pinapila ang mga asymptomatic? O bakit hinayaan silang mahawa nila ang kanilang mga pamilya?

Mayroon ba talagang ginagawa ang gobyerno para protektahan ang bansa at ang mga mamamayan laban sa CoVid-19?!

O ginagamit lang ang pandemya para muling dambungin ang sambayanang Filipino?!

Kahit sino ang tanungin natin, iisa ang sagot: “there’s something wrong…”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *