Sunday , November 24 2024

Integridad ni Andan pinanghawakan bilang bokal ng Bulacan (Sa ngalan ng demokrasya at respeto )

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang minority floor member ng mga komite, inihayag ni Bokal Allan P. Andan ang kanyang integridad bilang bahagi ng naging kabuuang hatol ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa proposed City Ordinance 02-2021 ng Pamahalaang Panlunsod ng Malolos na idineklarang “fully inoperative” noong 25 Marso 2021.

Aniya, masusing pinag-aralan ng Committee on Appropriations (CA) na binubuo nina Bise Gobernador at Chairman Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Vice Chair Allan Ray Baluyut at mga regular na kasapi kasama ang mga bokal na sina Ramon Posadas, Romina Fermin, Erlene Luz Dela Cruz, at siya bilang ex-officio committee member, ang nasabing ordinansa.

Ani Andan, “This has passed with due prudence and proper study in the Sangguniang Panlalawigan last March 18, 2021 with the majority of the Provincial board members in whole of Bulacan supporting its passage. A single Provincial Board Member cannot sway the decision of the whole.”

May titulong “A City Ordinance providing for the Annual Budget of the City Government of Malolos for the fiscal year 2021 in the amount of One Billion Three-Hundred Ninety-Five Million Six Hundred Thirteen Thousand Four Hundred Eighty-Eight Pesos and Forty Centavos (P1,395,613,488.40), appropriating funds therefore and for other purposes,” ang City Ordinance 02-2021 ay kinakitaan ng paglabag sa Section 327 ng Local Government Code dahil sa pagkabigong sumunod sa batas, mga patakaran at regulasyon, at muli itong ibinalik sa Sangguniang Panlunsod ng Malolos para sa nararapat na hakbang.

Ayon sa Report No. 2021-09 ng Committee of Appropriations, tatlong paglabag ang natukoy kabilang ang pagbibigay awtoridad sa punong lungsod na magpatupad ng mga espesipikong programa at proyekto na nakasaad sa annual budget kahit walang pangunang awtorisasyon mula sa Sangguniang Panlungsod, pati na ang pagbibigay ng awtorisasyon na ganap na ipatupad ang “Tranche 5” ng Modified Salary Schedule base sa RA 1146 at pagpapatupad ng “Re-organization of the City Government of Malolos” ayon sa City Ordinance No. 89-2020 na naging dahilan para hindi aprobahan ang ordinansa at maideklarang “fully inoperative.”

Alinsunod dito, ang integridad ng Sangguniang Panlalawigan ay ginagabayan ng makatarungang batas na nagpapairal ng demokrasya at respeto na ipinatutupad sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Bulacan.

Samantala, sinabi ni pangalawang punong lungsod Noel G. Pineda sa isinagawang ika-89 Karaniwang Pulong ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos, kanilang gagawin ang mga nararapat na aksiyon upang punan ang kanilang pagkukulang mula sa simula.

“Ito po ‘yung sinasabi ko noon, na dahil nakakitaan ng technical defects at pagkukulang doon po sa pamamaraan kung paano ito binalangkas at paano ito pinag-aralan, kaya po nating itama ito. Mismong sa sumunod na araw lamang ay maitatama natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na alituntunin at batas bilang pagtitiyak na wasto ang ating isusukli at isasagawang ordinansa,” ani Pineda. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *