PAREHONG nominado for Best Actress category sa The EDDYS at 36th Star Awards for Movies si Sylvia Sanchez para sa mahusay niyang pagganap sa Coming Home at Jesusa.
Masaya si Sylvia sa mga nominasyong nakuha sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang actress .
Ang The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ay gaganapin sa April 4 via virtual na makakalaban ni Sylvia sa katergoryang Best Actress sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), at Cristine Reyes (UnTrue).
Sa 36th Star Awards For Movies naman makakalaban ni Sylvia sina Bea Alonzo (Unbreakable), Kathryn Bernardo (Hello Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Judy Ann Santos (Mindanao), at Jodi Sta. Maria (Clarita).
Sa ngayon ay abala si Sylvia sa taping ng Huwag Kang Mangamba na ginagampanan ang isang taong grasa, si Barang na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.
MATABIL
ni John Fontanilla