Saturday , November 16 2024

327 tinipon sa paglabag sa EO9 23 tiklo sa iba’t ibang krimen (Sa Bulacan)

INARESTO ng pulisya ang 23 katao na sangkot sa iba’t ibang krimen samantala 327 indibidwal ang hinuli at tinipon kaugnay sa paglabag sa EO9 Series of 2021 sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 25 Marso.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nadakip ang 13 suspek sa anti-illegal gambling operations na inilatag ng mga operatiba ng Balagtas MPS, Malolos CPS, Meycauayan CPS, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ang mga suspek na sina Alfredo Ramos, Jr., ng Lawa, bayan ng Obando; Candido del Rosario ng Pinagkuartelan, bayan ng Pandi; Manolo Nuqui ng Tugatog, Jonald Vetus ng Malhacan, Hernando Lim ng Lawa, at Dominador Zigarsi ng Bancal, pawang sa lungsod ng Meycauyan; Maximo Martinez at Joseph Oronos, kapwa ng Borol 1st, sa bayan ng Balagtas.

Naaktohan ang mga suspek habang nagsusugal ng pusoy at lucky 9 gamit ang set ng mga baraha habang nakalatag ang bet money na halagang P1,421.

Samantala, nalamabat din sina Romar Mamasid, Romelio Trinidad, Anthony Enerva, ng Sto. Cristo; Emmanuel Pulumbarit at Leonilo Mendoza, ng San Juan, pawang sa lungsod ng Malolos, dahil sa paglalaro ng mahjong.

Nasamsaman sa mga suspek ang isang mahjong set at perang nagkakahalaga ng P3,075.

Naaresto rin ang pito pang suspek ng mga awtoridad sa pagresponde sa iba’t ibang krimen na naganap sa mga bayan ng Baliwag, Guiguinto, Plaridel, San Miguel, Sta. Maria, at lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ang mga natimbog na suspek na sina Jonathan Delubio ng Camangyanan, Sta. Maria, inaresto sa kasong Estafa; Joel de Leon ng Pagala, Baliwag, sa paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000; Glorianyn Gargantilla ng Sibul, San Miguel, sa paglabag sa PD 705 (Forestry Code); Armalito Castillo ng Guyong, Sta. Maria sa llegal Discharge of Firearm, Grave Threat and Violation of RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition); Jessie Acebuchi ng Sta. Monica, Hagonoy para sa Cyber-Libel and Unjust Vexation; Jomari Caparas ng Pritil, Guiguinto para sa kasong  Physical Injuries kaugnay sa  RA 7610 (Child Abuse Law); at Juancho Soterio ng Culianin, Plaridel sa kasong Physical Injuries.

Timbog din ang tatlong wanted persons sa iba’t ibang manhunt operations na ikinasa ng tracker teams ng Baliwag, Marilao, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kinilalang sina John Hendrick Aguilar ng Matimbubong, San Ildefonso sa paglabag sa RA 7610; Rolando Cortez ng Prenza II, Marilao para sa kasong Rape; at James Jerald Polintan ng Pagala, Baliwag sa paglabag sa Section 9 (e) ng RA 11332.

Bukod dito, 327 violators ang pinaghuhuli kaugnay sa ipinatutupad na Executive Order No. 9 Series of 2021 na lumabag sa liquor ban, curfew, at minimum health standard protocol sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *