MAHIGIT sa 1,000 health workers ang naghihintay at nakatakdang mabakunahan ng AstraZenica sa pag-arangkada ng Resbakuna sa District 2 ng Quezon City, na nagsimula nitong Lunes
Ito’y matapos sumalang sa screening ang health workers ng QC na mahigit 1,000 doses ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) ang kanilang tinanggap.
Ayon kay Dra. Lanie Buendia, OIC Health Officer ng District 2 Quezon City Health Department, aabot sa 5,700 medical frontliners sa buong QC ang nakatakdang mabakunahan gamit ang AstraZenica at Sinovac vaccines.
Sa Batasan National High School, mayroong 1,000 health workers para sa 1,000 doses ang babakunahan.
Nitong Lunes ay may 165 ang tumanggap ng AstraZenica habang 200 ang inaasahan na mababakunahan at ang natitirang hindi nabakunahan ay maaaring hanggang Huwebes.
Nabatid, wala namang napaulat na ‘adverse effect’ sa unang araw ng Resbakuna sa Batasan QC ngunit imino-monitor pa rin ng health department ng lungsod ang mga unang nabakunahan.
(ALMAR DANGUILAN)