Sunday , December 22 2024

P1-B donasyon ni Pacman sa bayanihan fund

ABA, umabot na pala sa P1 bilyon ang naipagkaloob ni Senator Manny “Pacman” Pacquaio sa Bayanihan Fund ng pamahalaan para labanan ang pandemyang dulot  ng CoVid-19.

Hindi nakapagtataka, dahil buhay na buhay ang “Bayanihan” sa kultura nating mga Pinoy lalo ngayong tumataas ang bilang ng CoVid-19 sa bansa.

Pero kahit lubog ang ekonomiya bunsod ng pandemya, ang mga simpleng mamamayan at maiimpluwensiyang Pinoy sa ating lipunan ay walang pag-aatubiling nag-ambag ng pondo sa Bayanihan Fund para tulungan ang gobyerno na tustusan ang gastusin laban sa virus.

Sa ulat ng CNN, umabot sa P8 bilyon ang nalikom na pondo ng Bayanihan Fund at malaki ang naitulong nito sa mga Pinoy, lalo sa pag-angkat ng vaccine kontra CoVid-19.

Kung sabagay, sa simula pa lang ng pandemya, kaliwa’t kanan na ang tulong ng mga negosyante nating kababayan sa mga kapos palad.

Wish lang natin na dumami pa ang may ginintuang puso o mga “bayani” sa hanay ng mga Pinoy na kusang nagbibigay ng tulong sa mahihirap nating kababayan.

Ilan sa mga ‘bayani’ sa kampanya vs CoVid-19 ang mga kompanya nina Tony Tan Caktiong ng Jollibee; Dennis Uy ng Udenna Group; Vista Land owner Manny Villar , Aboitiz Group; Metrobank ng pamilya Gokongwei; SM Group; Manny Pangilinan Group of Companies;  Araneta Group; San Miguel Corporation ni G. Ramon Ang;  Andrew Tan;  Ayala Group; Lopez Group;  Resorts World; Okada; City of Dreams; National Grid Corporation of the Philippines at marami pang personalidad.

Sa kabila nito, hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng tulong si Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na ramdam ang panganga­ilangan ng ating kababayan sa panahon ng pandemya.

Halos P1 bilyon ang ibinigay ni Sen. Pacquiao sa mahihirap nating kababayang Pinoy, lalo ‘yaong nawalan ng trabaho sa pananalasa ng virus. Hindi alintana ni Sen. Pacquiao ang banta ng virus sa buhay at patuloy na nag-iikot para mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Tanging si Sen. Pacquiao lang ang opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng mga donors sa Bayanihan Fund.

Ang dasal ng mahihirap ay sundan ng iba pang mayayamang negosyante si Sen. Pacquiao para lalong lumaki ang pondo ng Bayanihan Fund nang sa gayon ay maraming naghihirap na Pinoy ang matutulungan.

Kailangan ng gobyerno ang malaking pondo para labanan ang CoVid-19, lalo na’t may iba’t ibang variants ang nakapasok na sa bansa.

Sa mga politiko natin, mag-ambag din sana kayo gaya ni Sen. Pacquiao, at ‘wag naman puro dakdak lang na nagdudulot ng pagkawatak-watak ng mga Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *