NAGBABALAT sibuyas na nga ba ang mga opisyal ng Duterte administration?
E kasi naman bakit parang kaunting ‘kritisismo’ lang ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ‘e matindi ang reaksiyon ng Palasyo?
Nagmungkahi kasi ang senador na kailangan ang ebalwasyon upang masukat kung ano na ang narating ng pamahalaan sa pagtugon laban sa CoVid-19. Kailangan daw kasing panatilihin ang kalakasan habang nilulutas ang mga lumitaw na kahinaan.
Hayan at bigla siyang tinatakan na namomolitika.
Bakit nga kasi ayaw pakinggan ang kritisismo?! At ang mga nagpapahayag ng kritisismo ay agad tinatatakan ng namomolitika lang?
Anong masama sa pagsasabing dapat gamitin nang tama ng gobyerno ang resources ng pamahalaan sa pagbili at pamamahagi ng bakuna. Sa utang na P10.33 trilyones, at may karagdagang $900 milyones para sa CoVid-19 response, nakapagtataka nga naman na wala maramdaman ang sambayanan.
Napaghahalata tuloy na ang mga tao sa gobyerno ay naka-longshot na sa May 2022 elections.
Kung sabagay, ilang buwan na lang, kanya-kanyang arangkadahan na ang mga walang sawang magkapuwesto sa gobyerno pero tamad namang magtrabaho kung walang kapalit na ganansiya.
Walang pinag-iba ‘yan sa isang organisasyon diyan sa tabi-tabi na sinalaula na ng iilan at ginamit sa kanilang mga pansariling probetso.
Talagang walang ipinagkaiba. Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap