Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Grace-Isko vs Sara-Digong

KUNG matutuloy ang tambalan nina Sen. Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno sa darating na 2022 presidential elections, malamang sa basurahan pulutin ang mga magiging kalaban nila kahit pa tumakbo ang mag-amang sina Davao City Mayor Sara Duterte at Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi nga sa karera, kakain ng alikabok sina Sara at Digong, at tiyak na iiwanan sila nang milya-milya sa halalan, at iyon na ang magiging katapusan ng paghahari ng pamilyang Duterte at kanilang mga alipores sa Filipinas.

Marami nang atraso sa taongbayan ang administrasyon ni Digong, at maraming problema ang hindi nabibigyang solusyon.  At iyan ang magiging bagaheng dadalhin ng tambalang Sara-Digong sa darating na halalan.

Tamang magkaroon ng alyansa ang oposisyon para tiyakin na tuluyang masisipa ang kandidato ng administrasyon at mangyayari lamang ito kung magkakaisa ang lahat ng grupong politikal kabilang na ang mga makakaliwang organisasyon.

Ang tambalang Grace-Isko ang nakikitang dapat ibangga sa magiging kandidato ng administrasyon at hindi ito maisasakatuparan kung ang iba pang nag-aambisyong maging pangulo ay lulutang din at magsasabing pangungunahan nila ang oposisyon.

Samantala, ang tambalang Sara-Digong naman ay siguradong panghahawakan ang makinarya, pera at organisasyon ng kasalukuyang administrasyon para tuluyang manalo pero hindi ito nakatitiyak nang panalo dahil na rin sa mga kapalpakan ni Tatay Digong.

Bagamat lumulutang din ang tambalang Vice President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes IV, hindi masasabing sapat ang kanilang lakas para mapabagsak ang mag-ama.

Hindi magandang maging ka-tandem ni Leni si Sonny.  Sa halip kasing makatulong si Sonny kay Leni, malamang na hatakin pa niya ito pababa dahil na rin sa rami ng kanyang naging kaaway at kagalit noong naninilbihan pa bilang senador.

Tamang-tama ang timplang Grace-Isko tandem na siyang puwedeng bumangga sa mag-amang Duterte. Ang karisma ni Grace na bigay ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr., ay hindi pa rin kumukupas, habang si Isko ay ang kanyang galing na ipinamalas sa Maynila.

Kung tuluyang magkakaisa ang oposisyon at susuportahan ang tambalang Grace-Isko sa darating na halalan, walang magagawa ang administrasyon kundi tanggapin ang panalo ng mga bagong ihahalal ng bayan.

Para naman kay Senator Bong Go, better luck next time sir!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *