Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14 law violators timbog sa buy bust, manhunt ops

ARESTADO ang 14 kataong lumabag sa batas sa magkakaibang anti-illegal drugs at manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Miyerkoles ng umaga, 17 Marso.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kumagat ang walong suspek sa ikinasang buy bust ng mga operatiba ng San Jose Del Monte City, Calumpit, Marilao, at Pandi police stations.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Zosimo de Leon, alyas Ed De Leon ng Brgy. Bagong Buhay 3; Norlito Gulmatico ng Brgy. Assumption; Mary Rose Nabo ng Brgy. Minuyan Proper, pawang sa lungsod ng San Jose del Monte; Michael Martin, alyas Panot, ng Brgy. Longos, Calumpit; Jonalyn Bayer, alyas Mika, at Michael Mendiola, kapwa residente sa Brgy. Iba Ibayo, Hagonoy; Kristian Llapitan ng Brgy. Abangan Sur, Marilao, kabilang sa drug watchlist ng Marilao MPS; Rodrigo Ramos, residente sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi na subject din ng search warrant.

Nasamsam ang may kabuuang 18 selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa mga suspek na ngayon ay nahaharap sa mga kasong kriminal na idudulog sa korte.

Samantala, nadakip ang anim na suspek sa inilatag na manhunt operations ng tracker teams ng Guiguinto, Malolos, Meycauayan, Pulilan, San Rafael, Sta. Maria, 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), at Criminal Investigation and Detection Croup (CIDG).

Kinilala ang mga suspek na sina Anacito Saoy, MWP Provincial Level, residente sa Brgy. Bangkal, lungsod ng Malolos, na inaresto sa kasong Rape; Krizza Mae Montecalbo, ng Brgy. Langka, lungsod ng Meycauayan, sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children); Oscar Santos ng Brgy. Tabe, Guiguinto para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 (Child Abuse Law); Joel Lasala ng Brgy. San Juan, Balagtas, para sa Reckless Imprudence Resulting in Homicide; Reynalyn de Leon ng Brgy. Dampol 2nd, Pulilan sa kasong Homicide; at Leny Gutierrez ng Brgy. Santor, ng lungsod ng Malolos, may kasong Falsification by Private Individual at Use by Falsified Documents.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang police unit/office para sa kinauukulang disposisyon ang mga nadakip na akusado. (M. BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …