Wednesday , November 20 2024

Hawaan ng Covid-19 pinangambahan sa NAIA terminal 3 (Nagpositibong staff inilihim)

HINDI nakapagtatakang balot ng takot ngayon ang Immigration Officers na nakatalag sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos sumabog ang isang isyu sa kalusugan na inilihim sa kanilang lahat.

Ang kuwento, isang administrative staff umano ng Bureau of Immigration Port Operations Division (BI-POD) ang naging positive sa CoVid-19 nitong nakaraang Linggo lang.

Bagamat pangkaraniwan sa ngayon ang nahahawaan ng CoVid-19, isang malaking pagkukulang sa mga opisyal ng POD kapag hindi nag-disclose ng impormasyon sa lahat ng mga IO sa airport na may tinamaan na palang isa sa kanila.

Wattafak!

Una na raw nagsagawa ng kanilang quarantine leave ang mga opisyal ng POD kaya naman pala hindi sila visible sa NAIA nang ilang araw.

Nagkanya-kanyang tago sa madaling salita?!

Magkahalong galit at takot ang nararamdaman ng lahat ng mga IO dahil pakiramdam nila ay binabalewala ng mga opisyal sa dibisyon ang kanilang kapakanan.

Bakit nga naman kinakailangang ilihim sa kanila ang pangyayari?

Hindi raw ba naisip ng POD officials na may pamilya rin ang mga pangkaraniwang IOs na puwedeng tamaan?!

Dahil kaya sa takot na mawalan sila ng mga duty IO sa airport?!

Paano na ang mga magulang, asawa, at anak nila sa bahay?

Sa totoo lang malaking sakripisyo para sa IOs na itinuturing din na frontliners ang ginagawang paglilingkod sa bayan.

Kaya nararapat lang na iparamdam sa kanila ang malasakit bilang kapalit sa kanilang kabayanihan.

Hindi ‘yung dededmahin lang sila!

Ewan lang natin kung si BI Commissioner Jaime Morente ay aware rin sa insidente?!  

Nakasaad sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang mandatory disclosure of vital information kapag ikaw ay tinamaan ng communicable disease gaya ng CoVid-19.

Nakapaloob sa naturang batas na ang sinoman na nagkasala rito ay puwedeng patawan ng P50,000 fine o ‘di kaya ay pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan.

Ito rin ang naging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ilagay ang Filipinas sa state of public emergency dahil sa lumalalang kaso ng CoVid-19.

Ang Inter Agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay nag-adopt din ng kanilang polisiya tungkol sa mandatory public disclosure of personal information relating to CoVid-19 cases upang pag-ibayuhin ang contact tracing efforts ng gobyerno.

Sa nangyari sa POD, nauna pang nag-quarantine ang mga ‘Boss’ at ang kanilang admin staff habang walang kaalam-alam ang lahat ng mga IO na mayroon na palang nangyayaring ‘delubyo’ sa loob ng opisina?!

Kundi pa raw nadulas ang isang tagaloob ng opisina ay ikokonsidera na itong isang ‘sikretong malupit.’

‘Di ba maliwanag na “Gross Neglect of Duty and Inefficiency” ‘yan mga Bossing?!

Nakahihiya kayo, sa totoo lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *