Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Jose del Monte City SJDM

2 tirador ng ‘metal’ sa SJDM timbog

NALUTAS ng mga awtoridad ang laganap na nakawan ng mga asero (metal) sa bakuran ng mga farm sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nang masakote ang dalawang kawatan nitong Lunes ng gabi, 15 Marso.

Sa ulat mula kay P/Maj. Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mario Salazar at Arnel Villaber, kapwa residente sa Brgy. Poblacion 1, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong 10:16 pm kamakalawa, nakarinig ng sigaw na humihingi ng tulong ang mga nagpapatrolyang kagawad ng Police Community Precint (PCP) 2 ng SJDM CPS sa Brgy. Poblacion 1.

Agad nagresponde ang police patrol team hanggang maaktohan nila ang dalawang suspek na dinadambong ang metal divider gamit sa paghahati ng mga fattener sa piggery farm.

Matapos masakote, narekober ng pulisya sa dalawang kawatan ang anim na pirasong metal divider na nagkakahalaga ng P4,800.

Sinasabing ang dala­wang suspek ang tirador sa laganap na nakawan ng mga metal sa lungsod.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …