Wednesday , November 20 2024

Doble-ingat laban sa Covid

IBAYONG pag-iingat ang masidhing panawagan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa lahat ng empleyado ng ahensiya bunsod ng tumataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Ang naturang kautusan ay binigyang diin lalo sa mga mababang empleyado upang ipagpatuloy nila ang mahigpit na pagsunod sa tamang paraan at makaiwas sa nakababahalang paglago ng bilang ng tinatamaan ng coronavirus.

Isang memorandum din ang ipinalabas ni Morente na nagbibigay direktiba sa lahat ng kanyang nasasakupan, lalo sa mga nagsisilbing frontliners sa airports at mga sangay ng ahensiya, na huwag kalilimutan ang tamang paggamit ng mask at ng face shields habang sila ay nasa duty.

Sinabi rin niya na ang sinomang lalabag sa nasabing direktiba ay posibleng sampahan ng kaso at patawan ng karampatang aksiyon o disiplina.

Bukod sa pagsusuot ng tamang protective gear, pinaalalahanan din ang lahat ng empleyado na ipagpatuloy ang ipinaiiral na social distancing at regular na paghuhugas ng mga kamay at paggamit ng alcohol.

(Excuse me po Mr. Commissioner, magagawa po ‘yan kung kompleto ang mga sanitizing supplies ng mga taga-airport.)

Ang BI General Services Section ay patuloy na magsasagawa ng disinfection sa mga sangay ng ahensiya upang maiwasan ang prehuwisyong dala ng CoVid-19.

 Kailan lamang ay maraming empleyado ng BI ang nag-positive sa naturang virus. Kasama rin sa tinamaan ang ilang opisyal sa mga airport kaya naman pinagdo-doble ang kanilang pag-iingat.

Ang mga empleyado na sinamang-palad na kinapitan ng CoVid-19 ay agad pinag-quarantine at sumalang sa RT-PCR testing.

Ang BI na ikinokonsiderang isa sa pinakaabalang frontline agencies ay may mga miyembro na regular na humaharap sa mga biyaherong papasok at papalabas ng bansa.

Dahil dito ay hindi maiiwasan na sila ang unang tamaan ng sakit dahil sa close contacts nila sa mga pasahero.

Dagdag ni Commissioner Morente, ang BI CoVid-19 Task Force na pinangungunahan ni Deputy Commissioner Aldwin Alegre ay agarang nag-request ng vaccine allocation para sa kanilang frontliners.

Nitong nakaraang March 12 ay nalathala ang pinakamataas na datos ng tinamaan ng CoVid-19 sa isang araw na 4,578 katao ang iniulat na nagpositibo.

Kung patuloy na tataas nang ganito ay posibleng ibalik ng pamahalaan ang total lockdown sa ilang lugar sa bansa lalo sa Metro Manila.

Paktay kang bata ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *