Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Sara-Digong o Go-Digong?

MUKHANG hindi kontento si Senator Bong Go na tumakbo na lamang bilang vice president sa 2022 elections at lumalabas na sasabak ito sa presidential race at ang kanyang magiging kandidato sa pagkabise-presidente ay si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Nangangamoy away ngayon sa Malacañang at pati sa loob ng PDP-Laban, partido ng administrasyon.

Labo-labo na rin at kanya-kanyang balyahan kung sino ang dapat na suportahan kina Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte at Go sa darating na pambansang halalan.

Bagamat paulit-ulit na sinasabi ni Go na hindi siya interesadong tumakbo bilang pangulo, malinaw naman ang pahiwatig ni Tatay Digong nang kamakailan ay papurihan siya nito at tawagin bilang isang ‘pangulo.’

Sabi pa ni Go, “I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero alam naman po ng Pangulo na hindi talaga ako interesado. Biro lang ng Pangulo iyon.”

Pero mukhang kumambiyo si Go at malinaw na sinabi nitong, “magbabago lang siguro ang isip ko kung tatakbong Vice President si Pangulong Duterte.”

Kaya nga, ito marahil ang pinagmulan ng sigalot sa loob ng Malacañang.  Lumalabas na tuluyang nahati ang puwersa ng administrasyon lalo na sa mga grupong suportado si Sara at grupong si Go naman ang minamanok.

Lumalabas kasing sobrang naging ambisyoso itong si Go at nilagpasan pa ngayon si Sara na dapat lang naman ay siyang maging presidential candidate at maging tandem ng kanyang ama bilang bise presidente.

Dapat maisip ni Go na higit na may karapatan si Sara na tumakbo bilang presidente dahil sa mismong interes ng kanilang pamilya ang nakataya sa darating na eleksiyon at sa sandaling manalo ang kanilang mga kalaban, ang kanyang ama ang uunahing pahirapan at kasuhan.

Kaya nga, kung magpapatuloy ang sigalot ng political players sa loob ng kaharian ni Tatay Digong, magiging paborable lamang ito sa oposisyon at malayang makapagkoko-consolidate ng kanilang puwersa at sa kalaunan ay masilat sila sa darating na eleksiyon.

Hindi mapanghahawakan ng administrasyon ang tinatawag na pera, makinarya at organisasyon na siyang titiyak nang panalo ng kanilang kandidato kung nagkakagulo at hati-hati naman ang kanilang mga supporters.

Kaya ngayon pa lang, dapat ay magkaisa ang mga nag-aambisyong maging presidente o bise presidente sa administrasyon ni Tatay Digong. Iwasan munang magsalita sa media para iwas gulo at intriga.

Sabi nga, walang mananalo kung pare-pareho kayong magugulo sa tabakuhan!

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …