Thursday , December 26 2024

P50-B supplemental fund para sa retiradong sundalo — Yap

MAGHAHAIN ngayong araw ng P50 bilyong supplemental fund para sa mga retiradong sundalo si ACT-CIS representative at House Appropriations Committee chairman Cong. Eric Yap.

“Ito po ang ipapalit natin sa nawawalang retirement fund ng mga sundalo na pinagtatanggal noon pang 2018 na ngayon lang nabunyag,” ayon kay Cong. Yap.

Sa panayam kamakailan ng media, sinabi ni Yap, bagamat 2019 siya naupo bilang chairman ng House Appropriations Committee, ang budget para sa 2020 ang kanyang narebisa at inaprobahan.

“‘Yung na-review ko na budget ay ‘yung para sa 2020 dahil ‘yung 2019 budget ay tinalakay noong 2018 ay inihanda the year before and so forth,” ayon kay Yap.

Base sa House Appropriations Report, si dating congressman at Appropriations chair Karlo Nograles ang naghanda ng budget para sa 2018.

Sa record, makikitang binawasan ng P23.5 bilyon ang pensiyon ng mga sundalo.

At noong 2019 budget, si Rep. Rolando Andaya ang nag-ayos ng pondo bilang House Appropriations chairman.

May P39 bilyon ang tinapyas sa pensiyon ng mga sundalo noong panahong iyon.

Ngunit ang pinakamalaking tinapyas na pondo sa retired AFP personnel ay noong 2019 na umabot sa P74 bilyon batay sa House Appropriations record.

Si Davao 3rd District Rep. Isidro Ungab ang nag-aproba ng naturang budget cut bilang House Appropriation Chairman.

“‘Yung P20 bilyon na inalis natin sa pension ng mga sundalo noong nakaraang taon ay inilagay po natin sa pagpapatayo ng DPWH ng quarantine facilities, ayuda sa mga nawalan ng trabaho at ‘yung iba ay napunta sa DSWD assistance to individuals in crisis situation,” dagdag ni Yap.

“Willing po ako maimbestiga­han at ilabas ang records para magkaalaman kung saan napunta ‘yung pondo,” ani Yap.

“Pero ang hindi ko po masagot ay ‘yung mga pinagtatapyas ng Appropriations chairman before me, kung saan nila dinala ang pondo,” pahabol ng mambabatas.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *