Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua mas sinwerte nang mawalan ng ka-loveteam

MUKHANG mas sinusuwerte nga talaga si Joshua Garcia simula noong mahiwalay sa isang love team dahil tanggap na tanggap siya ng mga tao bilang isang actor. Ni hindi siya kailangang ihanap ng ibang ka-love team, at ngayon nakakukuha pa siya ng mas mahalagang assignment. Noong nakaraang taon pa ginawa ang announcement tungkol doon, pero ngayon pinaghahandaan na nila ang isang pelikulang gagawin niya kasama si Charo Santos.

Hindi basta-basta assignment iyan, isipin ninyo, iyang si Charo ay naging Asia’s Best Actress habang halos nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career. Kinikilala siya hindi lamang bilang mahusay na aktres kundi creative person din, dahil alalahanin ninyo na sa loob maraming taon siya ang namimili ng mga gagawing serye ng ABS-CBN, na lahat naging matagumpay naman noong kanyang panahon.

Kaya nga kahit na officially ay nag-retire na siya sa ABS-CBN, bago pa man inalisan iyon ng broadcast franchise, hanggang ngayon ay dumadaan pa rin sa kanya ang mga project na kanilang ginagawa. After all hindi naman matatawaran ang kanyang kakayahan sa mga bagay na iyan.

At iyang ganyang klaseng aktres ang makakasama ni Joshua, aba eh malaking suwerte na niya iyan.

Hindi lahat ng mga artista, lalo na’t bago pa lang kagaya nga ni Joshua ang basta magkakaroon ng ganyang chance, at malaking bagay iyong sinasabi si Charo mismo ang pumili kay Joshua na kinakitaan niya ng kakayahan bilang actor.

Ngayon, sinasabi ngang si Joshua ay talagang naglalaan ng panahon sa gym. Kasi ang role pala niya sa pelikulang iyon ay isang boxer, kailangan nga naman kahit na paano ay fit ang kanyang katawan. Alangan nga namang boxer ang role mo tapos ang katawan mo naman bagets na bagets pa ang dating. Talagang pinaghahandaan din naman niya ang pelikula.

Iyon ang isa pang sinasabi ng mga observer. Napaka-professional talaga ni Joshua at talagang gagawin niya ang lahat para sa kanyang career.

Sana naman magtuloy-tuloy na ang suwerte ng batang iyan. Mabait naman eh.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …