Monday , October 2 2023

Cyber attack sa gov’t website, yabang lang — NBI

PAGYAYABANG lang ang pangunahing motibo ng cyber attack kaya’t kailangan busisiin mabuti kung may katotohanan na nakagawa ng malaking danyos sa government website ang pag-atake ng Cyber PH for Human Rights kamakalawa sa GOV.PH website.

Inilunsad kamaka­lawa sa kauna-unahang pagkakataon ang cyberattack laban sa GOV.PH bilang protesta sa pagpatay ng mga pulis sa siyam na aktibista noong Linggo na tinaguriang Calabarzon Massacre.

Tinawag ni National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division chief Victor Lorenzo ang cyber attack bilang simpleng hacktivism o illegal na pagpasok sa isang computer system para isulong ang political o social issues.

Nakikipagtulungan aniya ang NBI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang matukoy ang mga nasa likod ng Cyber PH for Human Rights.

Kompiyansa aniya ang NBI na madarakip ang mga salarin gaya ng nangyari noong 2010 na isang notorious hacker na responsable sa malawakang pag-atake sa government websites ang nadakip nila.

Naulit ang cyber attack umano noong 2020 ngunit minomonitor pa rin nila hanggang ngayon ang mga aktibidad ng mga gumawa nito.

“The DICT is doing the proper attribution right now. And if you will remember, Trish, in 2010 there were massive attacks on government websites and we addressed these by arresting very notorious hacker at that time, kaya nag-subside iyong attacks before sa government website; and this is going to be our approach also. May mga previous attacks in 2020 and we have been monitoring their activities. We are confident na maa-address namin iyong isyu and we could identify those people behind these attacks,” ani Lorenzo sa Palace virtual Palace briefing kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *