Thursday , October 5 2023
arrest posas

Top 1 most wanted sa Sta. Maria, Bulacan arestado

NAKORNER ng mga awtoridad ang itinuturing na top 1 wanted person ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 6 Marso.

Sa ulat mula kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang nadakip na suspek na si Mahid Ibrahim, alyas Mamao, may-asawa, at residente ng Sitio Gipit, Brgy. San Jose Patag, sa bayan ng Sta. Maria, sa nabanggit na lalawigan.

Nasukol ang suspek ng mga operatiba ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Guillermo P. Agloro, presiding judge ng Regional Trial Court ng Branch 83 sa lungsod ng Malolos para sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Ayon kay Cajipe, ang pagpapatuloy ng pag-aresto sa lahat ng wanted persons ay nakasaad batay sa alituntunin na inilabas ng hepe ng pambansang pulisya na si P/Gen. Debold Sinas na paigtingin ang kampanya laban sa mga kriminal at ilagay sa loob ng rehas na bakal.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan

   Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang …

Ramon S ANG RSA San Miguel SMC Honey Lacuna

SMC 133rd  anniversary:
SMC opens its largest community center in former Smokey Mountain dumpsite; pledges P500 million to build more schools

Marking its 133rd anniversary, San Miguel Corporation (SMC), through its San Miguel Foundation (SMF), has …

PNP PRO3

Miyembro ng Sputnik Gang tiklo sa Php750k halaga ng iligal na droga 

Isang miyembro ng notoryus na gang ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation …

Bulacan Police PNP

  Siyam na law breakers sa Bulacan arestado

Sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa ay nagresulta sa pagkaaresto ng siyam …

Benny Abante

Insentibo sa senior citizens
P1-M SA EDAD 101 ANYOS, KATUMBAS NA LIBO-LIBO SA EDAD 70, 80, 90 ANYOS
Isinusulong ni Abante

KAPAG tuluyan nang lumusot sa Kamara De Representantes ang panukalang batas ni Manila 6th District …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *