Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Rodriguez bisita ng isa sa pinakamayaman sa Dubai

SOBRANG na-enjoy ni Kim Rodriguez ang bakasyon niya sa Dubai  kasama ang mga kaibigang sina Ynez Veneracion at Chitchi Rita.

Maraming magagandang lugar doon ang napuntahan at nagpamangha kay Kim. May mga sikat na personalidad din silang nakilala at nakasama.

Kuwento ni Kim, ”Sobrang saya po ng bakasyon namin, sobrang maraming magagandang lugar ang puwede mong puntahan.

“Ilan sa napuntahan namin ang Burj Khalifa—tallest structure and building in the world, Miracle garden—world’s largest natural flower garden, dessert safari atbp..

“Na-meet ko rin si Normando Macalinao, multi-awarded Filipino magician at si Don Casanova, social media star sa Dubai and luxury car collector. He has 56 luxury cars sa Dubai.

“Grabe si Don Casanova dalawa lang silang mayroong Bugatti sa Dubai na worth P560-M, sobrang yaman talaga.

“Bale in-invite n’ya kami sa mansion n’ya. Nakakaloka ang mga sasakyan niya, sobrang expensive.

“May sarili rin siyang bar, swimming pool, theater. Pero kahit sobrang yaman niya mabait siya, bale isa siyang Indian na naka-base sa Dubai.

“Sobrang nakapag-pahinga at na-recharge talaga ako sa bakasyon namin kaya naman ready na akong magtrabaho uli,” tuloy-tuloy na kuwento ni Kim.

Bukod sa regular sa The Lost Recipe na napapanood sa News TV, kaliwa’t kanan din ang guesting nito sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network at hands on din  sa kanyang mga negosyo.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …