Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Glaiza idolo ni Elijah sa pagkokontrabida

SI Glaiza De Castro ang iniidolo ni Elijah Alejo pagdating sa pagko­kontrabida.

Ayon kay Elijah, ”Kung sa pag­ko­kon­trabida ang gusto ko si ate Glaiza De Castro dahil kahit anong role po kaya niya and kitang kita po ‘yung passion niya sa pag-arte. Hindi ko  nakikita si Ms Glaiza kundi ‘yung character niya.

“Bukod po sa puwede siyang magkontrabida na kering-keri niya, puwede rin po siyang magbida. Sobrang galing po niya, napaka- versatile actress.

“Katulad po ni Ate Glaiza, gusto ko ring maging versatile actress. ‘Yung kahit anong role ang ibigay sa ‘yo kering-keri mo mapa-bida o kontrabida.

“Isa sa dream ko na makasama siya sa isang proyekto sa GMA o maging sa pelikula,” tuloy-tuloy na sabi ni Elijah.

Pero hindi nama issue kay Elijah kung malinya siya sa pagkokontrabida lalo’t dito siya nag-click at hinangaan.

“Okey lang po if ‘yung next project ko kontrabida uli ako. Kasi mas nacha-challenge ako sa pagiging kontrabida lalo na papalit-palit ng emotions. Pero kahit anong role naman ang  ibigay sa akin kakayanin ko,” wika pa ni Elijah.

Sa ngayon ay naghihintay pa si Elijah sa next project na ibibigay sa kanya ng GMA 7 lalo;t nagtapos na ang top rating afternoon serye nilang Prima Donnas.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …