Thursday , December 26 2024

Konting tiis na lang at maraming dasal pa rin

EKONOMIYA, ekonomiya, pagbangon ng ekonomiya na inilugmok ng pandemya. Ito ang laging bukambibig ng nakarararami sa pamahalaan.

Sino ba ang ayaw makabawi ang bansa sa bagsak na ekonomiya? Lahat siyempre ay gustong bumangon ang ekonomiya. Kapag nakabawi na kasi tayo sa ekonomiya natin, magiging hayahay uli ang buhay.

Para raw makabangon ang ekonomiya, isa sa nakitang paraan ay luwagan ang quarantine sa buong bansa. Ilagay daw ang bansa sa modified general community quarantine (MGCQ).

Naku po! Handa na ba ang lahat para sa MGCQ? Hindi ba mas magiging delikado ito o mas masama ang idudulot ng MGQC ngayon? Sino ba ang ayaw ng MGCQ lalo na sa situwasyon ng bansa ngayon o ng mamamayan?

Inirekomenda at ang pinagbasehan ng IATF para ilagay sa MGCQ ang buong bansa ay ang bagsak na ekonomiya. E paano naman ang kaligtasan ng mamamayan? Hindi ba nakita ito ng IATF.

Sa GCQ nga lang hirap na ang DOH katulong ang LGUs sa pagpapababa ng bilang ng naimpeksiyon ng CoVid-19, e di mas lalo na kapag nasa MGCQ ang buong bansa. Tiyak na lalong magiging kawawa ang medical frontliners natin kapag nasa MGCQ ang bansa.

Malamang sa malamang, magiging doble ang bilang ng mga isusugod sa ospital na naimpeksiyon kapag nasa MGQC ang bansa. GCQ nga lang ang titigas na ng ulo ng nakararami, ‘e di lalo na kapag MGCQ.

Sa MGCQ, marami na kasing saradong establisimiyento ang magbubukas – ibig sahihin, magiging doble na ang bilang ng mga taong lalabas sa kanilang bahay at siyempre, dahil tanging facemask at face shield pa rin ang pangontra sa nakamamatay na virus, malamang marami ang mahawa at maimpeksiyon.

Kaya napapanahon na ba ang MGQC na rekomendado ng IATF maging sa Metro Manila mayors? Target kasi nila sa susunod na buwan na ilagay sa MGCQ ang bansa.

Huwag mag-apura, nagawa na nga natin tiisin ang lahat sa loob ng maraming buwan o halos isang taon, bakit hindi natin magawa pang hintayin ang isa sa makatutulong sa problema sa pandemya – ang bakuna.

Kaya konting tiis na lang…at siyempre maraming dasal pa rin. Tanging pag-asa pa rin natin ang Panginoong Diyos.

Let’s pray that this pandemic will end up.

Ano pa man, tama ang desiyon ng mahal nating Pangulo, si Digong Duterte. Huwag muna raw. Dahil? Siyempre, asahan na lalong malalagay sa peligro ang mamamayan. Malaki ang posibilidad na tataas ang bilang ng biktima… at kapag tumaas, lalong maging problema ito.

Bababalik at babalik agad ang bansa sa simula – ang ECQ. Sarado ang lahat uli o pili lang ang bukas na negosyo.

Tama ang pangulo sa pagsasabing bakuna muna bago ang MGQC. Katunayan nga, sinasabi na kapag nabakunahan na ang pinag-iingat pa rin tayo at kailangan pa rin sumunod sa health safety protocols.

Meaning, hindi pa rin ligtas ang lahat kahit nabukanahan na. Maaaring mahawaan pa rin kahit na nabakunahan na.

Oo nga’t kailangan umangat ang ekonomiya, kaya lang baka baligtad ang mangyayari, ang aangat ay bilang ng CoVid patients. Kawawa naman ang frontliners natin dahil magsisimula uli tayo.

Ngayong linggong ito, inaasahan na darating na ang bakuna na gawa ng Sinovac. Salamat naman. Kaya lang, may agam-agam pa rin ang marami kung sila’y magpapaturok lalo na’t sinasabing hindi puwede ito sa medical health workers natin.

Uli, huwag tayong mag-apura na umasenso uli at sa halip, hintayin muna natin hanggang ang nakararami sa populasyon ng bansa ay nabakuhanan na. Konting tiis na lang at maraming dasal pa rin. Babangon din ang ekonomiya natin sa tamang panahon sa ngalan ni Hesus.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *