Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Rustia
Kiko Rustia

Born to Be Wild host Kiko Rustia negosyante na

MULA sa pagiging artista ng Philippine Survivor at former host ng Born To Be Wild,  pinasok na rin ni Kiko Rustia ang pagnenegosyo kasama ang kanyang magandang maybahay, si Cams.

Iniwan muna ni Kiko ang pag-aartista at pagiging host at mas nag-concentrate at tinutukan ang pagnenegosyo at politika.

Isa sa negosyo nina Kiko at Cams kasama ang kanilang mga kaibigan ay ang G Side Bar sa Tomas Morato.

Ani Kiko ng makausap namin sa G Side Bar nang maimbitahan kami ni  Len Carillo, CEO/President ng 3:16 Event and Talent Management, ”Humina ‘yung mga proyekto sa showbiz and lumalaki na mga anak namin kaya nag-isip ako ng kung ano ba ang mga puwedeng gawin at isa nga ito sa naisip namin ni Cams (G Side Bar).

Napaka-sosyal and cozy ng G Side Bar kaya naman ‘di kami magtataka kung maraming mga kabataan ang mawiwiling pumunta roon bukod sa mura at masarap ang pagkain, at mabait ang kanilang mga staff.

Sinusunod din nila ang health protocols kaya naman sigurado kang safe kapag naroroon. May mga umiikot na bouncer para paalalahanan ang lahat ng social distancing at maging ang kanilang DJ ay paulit-ulit na ina-aanounce ito. At kapag magsi-CR o lalabas ay kailangang suot din ang face mask.

Starstudded ang gabing naroron kami dahil kasama naming ang bida ng Anak ng Macho Dancer na si Sean De Guzman at mga bida ng  Silab na sina Marco Gomez at Cloe Barreto, Starstruck Avenger at Kapuso actor—Karl Aquino,  at sina Ethan at Gelo.

Kaya naman kung gusto niyong maglibang o magsaya bisitahin na ang G Side Bar sa Tomas Morato.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …