Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Boobsie muntik magpakamatay dahil sa depression

MUNTIK na palang nagpakamatay ang mahusay na komedyanang si Boobsie Wonderland dahil sa depression.

Kuwento ni Boobsie, masyado siyang na-depress dahil sabay ng pagkalat ng Covid-19 sa bansa at sa buong mundo ay ang pagkawala ng kanyang mga trabaho.

Noong una ay okey lang kay Boobsie dahil akala nito ay one week or two weeks lang na pansamantala siyang ‘di makakapag-trabaho dahil sa lockdown, pero tumagal ito hangang umabot ng ilang buwan, at dito na siya simulang na-depress dahil hindi siya naging handa at naubos ang kanyang ipon.

Inamin din nito na naibenta na niya ang kanyang mga naipundar tulad ng sasakyan para lang may panggastos sa araw araw. Sinubukan din niyang lumapit sa mga kaibigan pero wala ni isang tumulong sa kanya na labis niyang ikinalungkot.

Kaya naman nagdesisyon siya at sinabi na sa kanyang pamilya at kaibigan na sa loob ng 10  araw at hindi pa rin siya nag­kaka­trabaho ay magpa­pakamatay na.

At nang malapit na ang ika-10 araw habang nagkukulong siya sa kuwarto at nag-iiyakan na ang kanyang pamilya isang magandang balita ang dumating.

Interesado ang Net 25 na kunin ang kanyang serbisyo para maging host sa isa sa kanilang bagong show ang Eat‘s Singing  Time  kaya naman naiyak ito at nagpasalamat sa Diyos at sa Net 25.

Nasundan pa ito ng isa pang show sa Net 25, ang Kesayasaya kaya naman sobrang happy si Boobsie dahil unti-unti na siyang nakakabangon.

At sa nangyari sa kanyang buhay, marami itong natutuhan. Una ay nalaman niya kung sino ang tunay niyang kaibigan. Pangalawa, dapat  mag-ipon ng mag-ipon para may mabubunot sa panahon ng pangangailangan. Pangatlo, manalig sa Diyos dahil sa Kanya, wala talagang imposible.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …