Thursday , December 26 2024

Reklamo vs Dito pinaiimbestigahan sa kongreso

HINILING ng isang kongresista na miyembro ng tinaguriang “Balik saTamang Serbisyo bloc” ang pag-iimbestiga sa dumaraming reklamo laban sa Dito Telecommunity Corp.

Ayon kay dating Deputy Speaker at Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, hindi maaaring magpikit-mata ang Kamara sa umano’y hindi matapos-tapos na sumbong at akusasyong paglabag sa batas, kasama na ang paglabag sa karapatan ng ilang homeowners’ association sapol nang mabigyan ng permit to operate ng pamahalaan ang Dito bilang third telco player ng bansa.

“Mula sa hindi pa masagot na isyu na may banta sa ating national security itong network rollout nila, paglabag sa ilang mandato ng local government units (LGUs) at barangay at reklamo ng iba’t ibang komunidad, masasabi nating seryoso at dapat lang masiyasat ng Kongreso ang mga reklamo laban sa Dito telco,” tahasang sabi ni Fernandez.

“As soon as possible, I will file a resolution to formally ask the House leadership to direct the appropriate committee, which is most likely the committee on information and communications technology, to immediately conduct an investigation,” dagdag ng Laguna lawmaker.

Sinabi ni Fernandez, dahil nagkukumahog ang DITO na maabot ang target na 1,600 cell towers bago ang commercial rollout nito sa 8 Marso, maaaring nagiging bara-bara na ang kompanya, na kahit lumabag sa batas, huwag lang sumablay sa deadline sa kanila ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Sa Bayanihan Law 2, particularly under Sec, 6.8.2 of its Implementing Rules and Regulations (IIR), dalawa na nga lang ang requirements, dapat mayroong building permit in accordance to the National Building Code at height clearance from the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa construction, installation, operation, etc., ng telecom and internet infrastructures. Kaya sana naman itong

Dito Telco huwag maging pasaway, ipakita nila na worth it sila na mabigyan ng Certificate of Public Convenience and Necessity at may respeto at sumusunod sila sa ating batas,” ayon sa kongresista.

Ibinigay na halimbawa ni Fernandez ang napaulat na pag-iisyu ng Office of Building Official ng Bacolod City ng 1st Notice of Violation sa Dito dahil sa umano’y illegal construction ng cell site sa Purok Himaya, Brgy. Alijis o paglabag sa Section 301 ng Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines.

Nauna rito, inalmahan ng mga residente ng Purok Himaya, gayon din ng Purok Paghigugma sa Brgy. Alijis, ang pagtatayo ng cell tower ng Dito sa kanilang lugar kung saan naghain pa sila ng petition letter sa City Council na humihiling ng pagpapatigil sa nasabing konstruksiyon ng cell site.

Noong nakaraang Disyembre, nagsampa ng reklamo ang Malabon City government sa City Prosecutor’s Office laban sa third telco player dahil sa pagtatayo ng cell site sa Brgy. Tinajeros na walang kakukulang permit.

Bago ang pormal na paghahain ng reklamo, tatlong beses umanong inisyuhan ng notices ng Malabon LGU ang kompanya ngunit binalewala ito kaya sinampahan ng kaso.

Kasong paglabag din sa PD 1096 o ang National Building Code of the Philippines ang inihain laban sa Dito personnel na sina Engineers Hue Jidong at Jockey Mediola at anim na iba pa.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *