Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elijah tinawag na yellow teeth

KALIWA’T kanan ngayon ang natatanggap na bashing ni Elijah Alejo dahil sa mahusay nitong pagganap bilang Briana sa hit afternoon drama series ng Kapuso Network na Primadonnas.

Ilan sa mga bash na natatangap nito ay sasampalin at sasabunutan siya kapag nakita ng personal at kung ano-ano pa.

Kuwento ni Elijah, ”Grabe po sa dami ng pamba-bash na natatanggap ko, kesyo sasabunutan nila ako ‘pag nakita nila ako, sasampalin, at  ibubuking sa mga claveria.”

Dagdag pa nito, “And as far as I remember tinawag po nila akong yellow teeth dahil po sa ngipin ko.

“Noong una po nasasaktan  po talaga ako , kaya ‘di ko po tinitingnan ‘yung comments pero noong tumagal na eh nasanay na ako.”

May mga insidenteng kinukuroto nasasabu­tan ba si Elijah?

May nagagalit at naiinis po talaga sa akin pero wala naman pong nangyaring kurutan o sabunutan.”

Pero kahit nakatatanggap siya ng pamba-bash, happy siya dahil nangangahulugang  effective ang kanyang acting dahil sa dami ng naiinis sa kanya.

“Happy po ako kasi po nagbunga po ‘yung effort ko para sa character ni Brianna mula po sa mga pang-aaway niya hanggang sa nagbago na   siya.

“Mas na-challenge pa ako sa pagiging kontrabida lalo na papalit-palit ng emotions. Pero kahit anong role naman ang ibigay sa akin kakayanin ko.”

Ngayong tapos na ang Prima Donnas, isang bagong proyekto ang gagawin ni Elijah.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …