Wednesday , November 20 2024

‘Checkpoint’ sa Tanay may koordinasyon kaya sa IATF?

NAGULAT ang ilang riders at motorista sa isang checkpoint sa Tanay, Rizal sa bahagi ng Barangay Sampaloc.

Ito ‘yung lugar pag-ahon mula sa Morong at pagkatapos ay biglang haharangin para hingan ng medical certificate.

Nagulat ang mga motorista dahil walang announcement kaugnay ng nasabing rekesitos ng local government ng Tanay.

Ayon sa isang nasitang rider, regular nilang daanan iyon patungo sa ilang bayan sa Laguna kaya laking pagtataka nila nang bigla silang hiningan ng medical certificate sa checkpoint.

Common sense lang siguro, naka-motorsiklo ‘yung rider, kung masama ba ang pakiramdam at maysakit sila, kakayanin nilang magmotor paakyat sa Tanay?

Ang isa pang napansin ng mga rider, mayroong mga nakamotorsiklong may sakay pang bata, pero hindi sinita ng checkpoint?!

Bakit?

Mayroon bang nangyayaring hokus-pokus diyan sa Tanay checkpoint?

Ayon sa ilang tagaroon, wala naman silang alam na paghihigpit mula sa lokal na pamahalaan kaya nagtataka sila kung bakit may checkpoint?!

Paging Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), paki-check lang po ‘yung mga nagte-chckpoint sa Tanay kung lehitimo ‘yan. Kawawa naman po ‘yung mga walang magawa kapag hindi sila pinapayagan makalampas sa checkpoint.

Ang layo ng biyahe para bumalik sila sa pinanggalingan nila lalo na kung may hinahabol na ilang pangangailangan.

Paging IATF!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *