Saturday , November 16 2024
SONY DSC

1,000 manok ninakaw sa poultry farm sa Pangasinan

HINDI bababa sa 1,000 manok na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang ninakaw mula sa poultry farm sa Brgy. La Paz, sa bayan ng Villasis, lalawigan ng Pangasinan, nitong Linggo, 21 Pebrero.

Itinuturing na ‘persons of interest’ ang limang dating empleyado ng manukan sa kaso ng pagnanakaw.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office information officer P/Maj. Arturo Melchor II, ipinaalam ng manukan sa kanilang himpilan na halos 1,000 buhay na manok ang nawawala at nakita na laman nilang bukas ang gate ng isa sa mga kulungan ng mga manok.

Ani Melchor, nakita din na ang mga trabahador ng manukan ang nagkalat na balahibo ng manok sa likuran ng kulungan na pinaniniwalaang dinaanan ng mga suspek palabas sa poultry farm.

Patuloy na kumukuha ng salaysay ang mga imbestigador mula sa mga saksi at titingnan din ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *