Saturday , November 16 2024

Wala nang duda: Bongbong Marcos, talunan — VP Leni

HATAW News Team

TALO na nga, pero patuloy pa rin sa panloloko si Bongbong Marcos.

Matapos pagtibayin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagkapanalo ng katunggaling si Vice President Leni Robredo noong 2016 elections, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng kampo ni Marcos ng kasinu­ngalingan.

Palabas ng kampo ni Marcos, bahagi lamang ng kaniyang election protest ang dinesisyonan ng korte.

Pero mismong Korte Suprema, na tumatayo bilang PET, ang kumitil sa pagpupumilit ni Marcos.

Sa parehong araw, naglabas ito ng updated briefer upang idiin na buong protesta ni Marcos ang ibinabasura ng Korte Suprema.

Para kay VP Robredo, makasarili ang ginaga­wang pagpilipit ni Marcos sa katotohanan, dahil pagyurak ito ‘di lamang sa kredibilidad ng kaniyang pagkapanalo, kundi pati sa mga institusyon ng pamaha­laan.

Binigyang-diin niya na nagkaisa sa pagbasura ng election protest ang 15 justices ng Korte Suprema —taliwas sa palabas ng talunang kandidato.

Ayon sa Bise Presidente, dapat siyang singilin ng mga Filipino na kaniyang niloloko.

“[P]anlilinlang lang talaga,” aniya. “Pero hindi lang ito simpleng pagsisinungaling. Nakita natin kung paano iyong ambisyon ng isang tao. Ambisyon ng isang politiko para lang makuha niya iyong kaniyang inaasam ay sisirain niya talaga iyong mga institusyon. Willing siyang sirain iyong mga institusyon — bahiran ng pagdududa ang COMELEC, bahiran ng pagdududa ang Supreme Court — para lang makamtan niya iyong kaniyang kagustohan. Na para bang, para sa akin, walang pakialam. Walang pakialam sa pagsira sa democratic institutions para lang sa political gain mo. Tingin ko, ito iyong mas grabe. Iyong mas grabe na wala siyang pakialam.”

Sinusugan ito ng tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo na si Atty. Barry Gutierrez, at idiniin na game over na para kay Marcos sa panahong ito.

“Nakadedesmaya kasi gaya ng sinabi nga ni VP Leni, ang hirap talaga kapag nauuna ang ambisyon sa lahat,” aniya. “Sana pagkatapos nito, maka-move on na tayo e. Mahilig naman iyong mga Marcos na magsabi ng ‘move on.’ Siguro panahon din ito para dinggin nila iyong kanilang madalas na sabihin.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *