Saturday , November 16 2024

DITO Telecom inisyuhan ng Notice of Violation ng lungsod ng Bacolod

NAGPALABAS ang Office of Building Official ng Bacolod City ng 1st Notice of Violation laban sa DITO Telecommunity Corporation dahil sa sinabing illegal construction ng cell site sa Purok Himaya, Barangay Alijis sa naturang lungsod.

Sa nasabing notice na inisyu noong 16 Pebero 2021, sinabi ni Engr. Nestor Velez, acting department head ng Office of Building Official, lumabag ang DITO, ang third telco player ng bansa, sa Section 301 ng Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines.

Nakasaad sa Section 301 ng National Building Code na, “No person, firm or corporation, including any agency or instrumentality of the government shall erect, construct, alter, repair, move, convert or demolish any building or structure or cause the same to be done without first obtaining a building permit therefor from the Building Official assigned in the place where the subject building is located or the building work is to be done.”

Ang mga opisyal o kinatawan ng DITO ay binigyan ng tatlong araw para makipag-ugnayan sa naturang tanggapan at inatasan na agad ihinto ang pagtatayo ng cell site sa nasabing lugar.

Nauna nang inalmahan ng mga residente sa Purok Himaya, Brgy. Alijis ang konstruksiyon ng cell site ng DITO sa kanilang lugar.

Sa isang liham na isinumite sa Sangguniang Panlungsod ng Bacolod, naka-address kina Vice Mayor El Cid Familiaran at Councilor Archie Baribar, chairman ng SP Committee on Communications, hiniling ng mga residente ang pagpapatigil sa konstruksiyon ng cell site.

Ayon sa mga complainant, maging ang mga residente sa kalapit na  Purok Paghigugma ay hindi sang-ayon sa konstruksiyon.

Anila, isang resolusyon ang ipinasa ng kanilang purok council noong Hulyo ng nakaraang taon laban sa pagtatayo ng cell site na may pirma ng 61 residente kaya nagtataka sila kung bakit natuloy ang konstruksiyon.

Sa purok resolution ay sinabi ng mga opisyal na nais nilang protektahan ang kanilang komunidad laban sa epekto ng over-saturation ng electromagnetic at wireless radiation exposure sa ecosystem.

“The cellular companies list the benefits of improved coverage, faster data, and better services as a result installing this technology but they avoid any focus on health and safety issues that is our primary concern,” dagdag nila.

Nauna nang sinampahan ng kaso ng pamahalaang lokal ng Malabon ang DITO dahil sa ilegal na pagtatayo ng cell site sa Barangay Tinajeros noong Disyembre 2020.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *