Thursday , May 15 2025

Kambal tumodas ng 4-anyos totoy para sa cellphone (Pangarap maging artista at boksingero)

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Miyerkoles, 17 Pebrero, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, ang kambal na mga suspek sa pagpaslang sa 4-anyos batang lalaki para nakawin ang kanyang cellphone.

Kinilala ang magkapatid na suspek na sina John Kevin at John Mark Salonga, kapwa 18 anyos, nasukol sa Brgy. Sindalan, 48 oras matapos mabatid na nawawala ang batang si Kian Angel Belleza, 4 anyos, sa Northville 14, sa Brgy. Calutlut.

Habang nakapiit sa Compac 3 ng San Fernando police, inamin ng kambal na suspek na sinakal nila ang bata, binusalan ng bimpo ang bibig, at pinagpu­pukpok ng bato, upang makuha ang cellphone ng biktima.

Anila, ibinenta nila ang Oppo cellphone ng bata sa halagang 2,000 na gagamitin umano nilang pasahe upang magpunta sa Metro Manila at tuparin ang kanilang mga panga­rap na maging boksingero at artista.

Nabatid na mag­katapat ang mga bahay ng mga suspek at ng biktima.

Ayon kay Joel Mana­rang, ama ng biktima, isang tricycle ang huminto sa harap ng kanilang bahay noong Miyerkoles ng gabi at nag-iwan ng isang bag na naglalaman ng katawan ng kanilang anak saka mabilis na umalis.

Nagtungo ang driver ng tricycle sa barangay hall upang iulat ang bag na iniwan ng kanyang dalawang pasaherong pumara sa kanya sa harap ng bahay ng biktima.

Ani Manalang, nakita ng kanyang asawang si Maria Angela Belleza ang kambal na may bitbit na tila mabigat na bagay noong Lunes, 15 Pebrero, ngunit hindi siya naghinala kung ano ang laman nito.

Pangalawa si Kian sa mga anak nina Belleza at Manalang.

Haharap sa kasong murder ang kambal na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *