Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay at Jerome bumigay sa halikan

LAMAN ng social media at usap-usapan ang halikan nina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa BX J Forever na ipinalabas kamakailan.

Ito ang continuation ng halikan nina Teejay at Jerome sa pasabog na ending ng ng Ben X Jim na marami ang nadesmaya dahil sa pinekeng kiss nila na halata.

Kaya naman natuwa ang libo-libong fans ng dalawa dahil unang episode pa lang ay pasabog na dahil sa halikan nina Teejay and Jerome na napanood sa UPSTREAM.ph.

Marami tuloy ang nagtatanong sa gender ng dalawa dahil sa eksena na ikinagulat ng mga supporter nila.

Kaya naman nang makarating ito kay Teejay, natawa. ” Naka­katuwa kasi nata-touch sila sa character namin ni Jerome at inisip nila na ganoon na rin kami in real life. Ibig sabihin, effective kami sa mga role na ginampanan namin.

“Dati ng issue ‘yan, ‘di ko na pinapansin na kesyo bading ako lalo na nang ginawa ko itong ‘Ben x Jim.’

“Pero kilala ko naman ang sarili ko at ng mga nakakakilala sa akin. ‘Yun ang mahalaga kaysa sinasabi ng ibang tao.

“Nirerespeto ko kung ano ‘yung gusto nila sabihin kasi entitled naman ang bawat isa na sabihin ang kanilang saloobin.

“Basta kung ano ang napapanood nila sa ‘B X J Forever’ role lang ‘yun na ibinibigay namin ‘yung best para mas mapaganda pa,” mahabang paliwanag ni Teejay.

Bukod sa B X J Forever kasama rin siya sa Girl Online ng Regal Films at Largavista at idinirehe ni Jose Javier Reyes. Kasama niya rito sina Adrienne VergaraKat Galang, at Fino Herrera. May isa pa siyang   pelikula na gagawin na ayaw munang magbigay ng detalye.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …