Thursday , December 26 2024

Resbak ni Lacson binuweltahan ng Palasyo

PUWEDENG ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte anomang oras ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang sagot sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na kailangan katigan ng Senado bago ipawalang bis ani Duterte ang VFA.

Hindi na aniya kailangan humingi ng permiso ang Pangulo sa Senado kapag nagpa­syang tuldukan ang military pact sa Amerika.

“Ang Presidente ay pupuwede pong bumitaw sa VFA kahit kailan po,” ani Roque.

Sa kanyang tweet kamakalawa ay binuweltahan ni Lacson ang pagbatikos sa kanya ni Pangulong Duterte kaugnay sa sinabi niyang pangingikil ang paghingi ng bayad ng Punong Ehekutibo sa US para ipagpatuloy ang VFA.

Tinukoy ng senador ang Section 21 ng Article 7 ng 1987 Constitution na nagsasaad na, “no treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all members of the Senate.”

Iginiit ni Roque na ang VFA ay hindi treaty at ang papel nito’y ipatupad ang 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na may layuning palakasin ang defense at security cooperation ng Filipinas at ng US.

“Pagdating doon sa tratado tama po kayo, nakasaad sa saligang batas na ang mga tratado kinakailangan ng concurrence ng Senado… Now, ang VFA po ay hindi tratado,” ani Roque.

“Ito ay pagpapatu­pad lamang ng isang tratado at ang tratado na ipinapatupad ng VFA ay ang Mutual Defense Treaty,” dagdag niya.

Nilagdaan noong 1998 ang VFA na nagpapahintulot sa mga tropang Amerikano na lumahok sa joint exercises kasama ang mga sundalong Filipino na bumisita sa bansa kahit walang visa at pasaporte.

Noong Pebrero 2020 ay inutos ni Duterte ang pagbasura sa VFA nang hindi bigyan ng US visa si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa .

Matatandaang ini­utos ni Pangulong Duterte ang pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng US ang visa ni Sen. Ronald dela Rosa noong nakalipas na Enero.

Si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016-2018 ang nagpatupad ng madu­gong drug war ng administrasyong Duterte at binatikos maging ng international community dahil sa extrajudicial killings (EJK).

Itinuturing ni Pangulong Duterte na paglabag sa soberanya ng bansa ang nasabing hakbang ng US laban kay Bato maging ang resolusyong ipinasa ng ilang US senators na nagbabawal makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Philippine government na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Dahil rito’y pinagbawalan din ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kan­yang gabinete na mag­punta sa Amerika.

Noong Agosto ay binawi niya ang pag­kansela sa VFA at pinalawig ito hanggang anim na buwan.

Ngunit noong Disyem­bre 2020 ay nagbanta muli si Pangulong Duterte na ibabasura ang VFA kapag nabigo  ang US na ihanda ang 20 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 para sa bansa.

“Ang kanila lang kasi kay, ‘yung Visiting Forces Agreement matatapos na. Ngayon, pag hindi ako pumayag, aalis talaga sila. Kung hindi sila maka-deliver ng maski minimum of mga 20 million vaccines, they better get out,”  sabi ni Duterte

Nauna rito’y ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teddy “Boy” Locsin na nabigo si Health Secretary Francisco Duque III magsumite ng mga kaukulang doku­mento sa Pfizer kaya hindi nasungkit ng Filipinas ang 10 milyong bakuna mula sa pharmaceutical company para sa Enero 2021.

Pero kinampihan ng Pangulo si Duque at nakombinsi na walang nagawang “major lapse” ang Health secretary dahil tuloy pa rin ang negosasyon ng Filipinas sa Pfizer.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *