AKALA natin ‘e Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) lang ang sobrang magpahirap sa sambayanang motorista.
Hindi pala, mayroon din pala silang kasama sa liga na isang kongresman.
Ang masaklap, kalugar pa natin ang kongresman na malayong-malayo sa utol niyang mayor namin.
Yes, si Rep. Eric Olivarez na walang binatbat sa husay ng kanyang utol na si Mayor Edwin Olivarez.
E mantakin naman ninyong naghain ng panukalang batas na dapat daw irehistro sa LTO ang mga suot na helmet ng motorcycle riders bilang rekesitos sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho?!
Wattafak!
Wala na bang ibang maisip si Cong. Eric na kapaki-pakinabang para sa bayan?!
Ito po ‘yung House Bill (HB) 5136, na inihain noong Setyembre 2019.
Ang dami nang pasanin ng mga motorista, mantakin ninyong ‘yan pa ang naisip ni Cong. Eric?
E sa totoo lang po, tayo’y taga-Parañaque pero hindi natin maramdaman itong si Cong. Eric.
Mas ramdam pa namin si Gus Tambunting ‘e.
Sana naman, makaisip si Cong. Eric ng mga makabuluhang batas na makatutulong sa mga residente ng lungsod o ng distritong kanyang kinakatawan.
Kumusta naman po ang effort ninyo, Mr. Congressman sa panahon ng pandemic?!
Parang wala kaming narinig.
Mayroon ka bang naiisip na batas kung paano poproteksiyonan ang iyong mga kababayan?
Tsk tsk tak…
Oy wait! Mabuti naman at naisipan ninyong ipa-defer ‘yang HB 5136 na iyong panukala.
Aba’y nasasama pa sa kahihiyan si Mayor Edwin ‘e.
Makihalubilo ka Mr. Congressman sa mga constituents mo para alam mo kung anong nangyayari sa kanila.
‘Yun lang ang tamang paraan para naman magkaroon ng katuturan ang mga panukalang batas na inihahahin mo.
Kumuha ka rin kaya ng maayos-ayos na sulsultant ‘este consultants para naman magkaroon ng sustansiya ang iyong mga panukala.
‘Yun lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap