Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Rapist drug lord sa QC nahulihan ng P102k halaga ng shabu

ISANG top 8 drug personality mula sa Novaliches ang nadakip ng mga awtoridad sa gitna ng pagpapatupad ng search warrant sa kanyang tahanan ng mga operatiba ng Novaliches Station (PS4)  ng QCPD sa pamumuno ni Lt. Col. Richard Ian Ang.

Kinilala ni Ang ang suspek na si Mel Goloso, alyas Jun Pugad, 31, kilalang big-time drug peddler na nakalista bilang No. 8 Drug Personality sa bayan ng Novaliches.

Itinakda para sa search warrant ang tahanan ni Goloso sa Area 6, Sitio Cabuyao sa Barangay Sauyo sa kautusan ni QC Regional Trial Court Branch 77 first vice executive judge Ferdinand Baylon.

Sa pagpapatupad ng nasabing kautusan ng korte, hindi inakala ng mga pulis na madiskubre ang 15 gramo ng shabu na itinago ni Goloso sa kubling lugar sa loob ng bahay na nagkakahalaga ng P102,000.

Bukod sa pagkaka­sang­kot sa kalakalan ng ilegal na droga, napag-alamang may dating mga kaso ng rape si Goloso sa mga lokal na korte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …