HANDA na ang Philippine General Hospital (PGH) sa roll out ng vaccination program para sa CoVid-19.
Sinabi ni Director Gap Legaspi sa media forum ng Department of Health (DOH) handa na ang lahat maliban sa low dead space syringe na aniya ay nahihirapan silang makahanap.
Pagdating aniya sa admin management anoang bakuna ang dumating ay handa na ang PGH.
Ayon kay Legaspi, isa sa ginawang paghahanda ng PGH ang simulation exercises para sa pagbabakuna sa frontliners at gayondin ang malawakang vaccination rollout sa buong bansa.
Nasa 94 porsiyento aniya ang nagpakita ng suporta o kagustohan na magpabakuna sa kanilang health care workers.
Kasama sa mga babakunahan sa PGH ang mga empleyado tulad ng mga guwardiya at janitors na kasama sa unang babakunahan sa unang batch ng pagdating ng Pfizer vaccine kontra CoVid-19.
Hinikayat ni Legaspi ang publiko na magtiwala sa sistema ng nagpapatakbo ng vaccination program dahil ang iniisip nila ay kapakanan ng publiko.