NAPAPABALITANG si Janine Gutierrez ang napipisil ng ABS-CBN para gumanap bilang Valentina, tatanggapin ba ito ng bagong Kapamilya actress?
“It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of ‘Darna.’ I’m a fan of alll the old films. Actually parang mayroon akong napanood before na ‘yung lola ko, nag-Valentina, eh. So it’s interesting.
“Siyempre flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know, we’ll see.”
Hawak ng Kapamilya Network ang rights ng Darna, ang Pinay superhero na counterpart ni Wonder Woman, si Valentina ay ang babaeng-ahas na kalaban ni Darna, na masasabing counterpart naman ni Cheetah na kalaban ni Wonder Woman.
At sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik noong 1994 ay si Anjanette Abayari ang Darna at ang lola ni Janine na si Pilita Corrales ang Valentina.
Bilang Kapamilya, kaabang-abang ang isang serye na sisimulan ni Janine at napapanood na nga ito sa ASAP Natin ‘To bilang host.
“Excited ako just the fact na may gagawin akong teleserye at pelikula sa ABS-CBN.”
Mapapanood na rin ni Janine sa bago niyang pelikula, ang Dito At Doon ng TBA Studios, kapareha si JC Santos. Mula sa direksiyon ni JP Habac, sa pelikula ay isang babaeng “no boyfriend since birth” (NBSB) ang karakter ni Janine bilang si Len.
Nasa movie rin sina Victor Anastacio, Yesh Burce at ang ina niyang si Lotlot de Leon. Ipapalabas ito sa mga sinehan sa March 17.
Sa paglipat ni Janine para maging Kapamilya, siya ba mismo ang nagdesisyon o may humikayat sa kanya na lumipat?
“Siguro ang natutuhan ko rin po sa career ko in the more recent years is mas mabuti kung personal decision talaga lahat, and this was a personal decision.
“But of course I’m grateful because I have the support of my family and my friends.
“Pero parang noong medyo nakatagal na ako sa industriya, mas naging confident ako na dapat ako ‘yung nagde-decide para sa sarili ko kasi roon mo rin talaga mapupuntahan ‘yung mga gusto mong puntahan, doon mo magagawa ‘yung projects na gusto mong gawin.
“And of course I always consider what my parents will say, ‘yung pamilya ko, ‘yung manager ko, pero I’m lucky kasi palagi silang nakasuporta sa akin and I’m happy na itong desisyon ko ay talagang naging mabuti at masaya.”
Si Leo Dominguez ng LVD Management ang namamahala sa showbiz career ni Janine.
Rated R
ni Rommel Gonzales