Sunday , December 22 2024
Movies Cinema

Indie at pito-pito ang maipalalabas (Sa pagbubukas ng mga sinehan)

AKALA ng iba na dumarayo pa sa mga sinehan sa Bulacan at Cainta, hindi na sila kailangang bumiyahe nang malayo para manood lang ng sine. Kasi sinabi ng IATF na pinapayagan na nilang magbukas ang sinehan simula ngayon, pero ganoon lang. Wala silang ibinigay na implementing rules and regulation.

Hindi kami sa kani-kanino, pero maliwanag sa amin na ang mga gumawa ng desisyong iyan sa IATF, at maging ang mga kumilos para magawa ang desisyong iyan ay hindi alam ang tunay na takbo ng industriya ng pelikula, o sanay lang sa mga pelikulang indie at pito-pito.

Hindi nila inisip na magbubukas sila ng mga sinehan, eh wala namang nakahandang malaking pelikula para ilabas sa sinehan. Siguro ang iniisip nila, kung magbubukas ang mga sinehan, magkakaroon ng pagkakataon ang mga pelikulang indie at pito-pito para makatikim naman ng sinehan. Kasi kung may totoong pelikula na, hindi sila makapapasok sa sinehan, maliban kung sapilitan dahil sa mga festival nila.

Ang hindi nila inisip, mas kawawa ang mga sinehan kung magbubukas at ang ipalalabas lamang ay mga indie at pito-pito dahil gagastos na sila sa koryente, magbabayad na sila ng payroll, eh iyang mga pelikulang iyan ayaw namang panoorin ng mga tao kahit na noon. Ngayon pa ba sila magbabakasakali na tamaan pa sila ng Covid tapos ganyang pelikula lang naman ang mapapanood nila?

Hindi lang ang mga mayor ang tutol, bantulot din ang mga theater owner. Maski kasi ang mga international distributor, may malaki mang pelikula, ayaw munang ilabas dahil marami pang mga bansa ang naka-lockdown. Eh kung lockdown nga naman, sino ang manonood ng sine?

Kung kakalat din naman ang Covid, masisisi na naman ang mga mayor. Mapipilitan na namang mag-lockdown ang mga LGU, eh ‘di lalong malaking problema.

Iyang mga sinehan, diversion lang. Hindi iyan essential para sa buhay ng isang tao. Isang taon na tayong naka-quarantine eh, sasayangin ba natin iyon dahil lamang sa sine? Paano kung lumaki nga ang bilang ng mahahawa, isipin ninyo kulong ang mga sinehan, aircon iyan at mas matagal na mabubuhay ang virus sa malamig na lugar. Mag-ingat naman kayo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *