Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Panis ang senatorial bets ni Digong

KUNG totoo mang pinangalanan kamakailan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ilan sa kanyang mga Cabinet secretary bilang kandidato sa pagkasenador, hindi nangangahulugang nakatitiyak ang mga ito ng kanilang panalo sa nakatakdang pambansang halalan sa 2022.

Panis at nangangamoy sa baho ang lumulutang na pangalan ng mga kandidato ng administrasyon at higit na makabubuti kung hindi sila tumakbo at magretiro na lamang kasabay nang pagtatapos ng termino ni Digong.

Siyam na miyembro ng Gabinete ang sinasabing gustong patakbuhin ni Digong bilang senador at ito ay sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Public Works Secretary Mark Villar, Trade Secretary Ramon Lopez at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Kabilang din sina Health Secretary Francisco Duque III, Labor Secretary Silvestre Bello III, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo at vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Siyam na matataas na opisyal ng administrasyon ni Digong na pare-parehong kinamumuhian at isinusuka ng taongbayan. Tanging kontrobersiya at katiwalian sa pinamumunuan nilang departamento ang maipagmamalaki ng siyam na kandidato ni Digong.

At kahit na sabihin pang nakalalamang ang administrasyon sa pera, makinarya at organisasyon, wala pa rin silang pag-asang lumusot dahil na rin sa bigat ng kanilang mga babanggaing mga reelectionist senator at magbabalik-Senado sa darating na halalan.

Masikip ang senatorial race sa 2022 at halos apat na slot na lamang ang pinaglalabanan at nakasisiguro na ang walong senador na mananalo ay papasok sa tinatawag na Magic 12.

Kaya bang tapatan ng mga kandidato ni Digong ang mga tatakbong senador tulad nina Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Ralph Recto, Joel Villanueva, Migz Zubiri, at Leila De Lima?

At dapat din magdalawang-isip ang sinasabing mga kandidato ng administrasyon kung hanggang ngayon ay epektibo pa ba ang gagawing endorsement ni Digong sa kanilang kandidatura lalo na sa daming gulo at kontrobersiyang pinasok ng pangulo.

Sa mga susunod na buwan, tulad nang inaasahan, magiging lame duck president na lamang si Digong at ang bawat sasabihin nito ay hindi paniniwalaan at wala nang papansin hindi katulad nang unang taon pa lang niya sa panunungkulan na halos lahat ay sinamba siya na parang panginoon.

Kaya nga, walang dapat na ipagdiwang ang sinasabing Cabinet officials na kandidato bilang senador dahil tiyak na hindi naman sila mananalo at ang masakit pa nito tulad ni Digong, ay inaasahang makakasuhan sa sandaling bago na ang namumuno sa bayan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *