Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pananamit ni Sunshine ikinokonsulta kay Angelina

NATATAWANG inamin ni Sunshine Cruz, kung sa bagay totoo naman iyon, kahit na noong araw ay simple lamang siyang manamit, pero iba na ang style ngayon. Ang uso ay iyong porma ng mga fashionista at inaamin niya na kadalasan kailangan niyang konsultahin ang kanyang anak na si Angelina. Natatawa pa nga siyang inamin na ngayon ay nagle-layering na rin siya ng kanyang damit.

Hindi lang iyon, nagpapaturo rin  siya sa kanyang mga anak ng mga latest dance steps na ginagawa sa Tik Tok. Isa rin kasi sa nauuso sa mga artista iyan ngayon, iyong gumagawa sila ng mga account sa social media na nagmo-monetize. Aba kailangan nga namang isipin mo rin ang lahat ng maaari mong pagkakitaan dahil talagang hilahod ngayon ang pelikula at maski na ang telebisyon.

Iyong malaking network ay sarado at mukhang malabo pang mabuksan. Iyong isa naman, aba kailangan pang maningil sa pamamagitan ng social media dahil kung hindi aabutin ka ng ilang buwan hindi ka binabayaran. Mahirap ang buhay kahit na ng mga artista ngayon. Walang ginawa ang gobyerno kundi magpa-film festival, pero wala naman silang makumbinsi na magpasok ng puhunan sa industriya, kaya ang nagagawa puro mga indie at pito-pito na ayaw namang panoorin ng mga tao.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …