Monday , May 12 2025

Sugalan sinalakay 10 sugarol timbog (Sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadakip ang sampung katao sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na sugal ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 10 Pebrero.

Sa ulat mula kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, inilatag ang pagsalakay sa mga sugalan sa lala­wigan ng mga tauhan ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Sations (MPS) at Marilao Municipal Police Station (MPS).

Naaktohan ang apat sa mga naaresto ng mga operatiba ng DRT MPS na nagsusugal ng ‘pusoy’ na kinilalang sina sina Orlando Laron; Jonel Escalante; Connie Villarama; Angel Asero, pawang residente sa Brgy. Pulong Sampalok, sa bayan ng Doña Remedios Trinidad.

Kasunod nito, nadakip ang anim na iba pang sugarol matapos maakto­han ng mga operatiba ng Marilao MPS na nag­susugal ng “cara y cruz.”

Kinilala ang mga suspek na sina Leopoldo Liwanag; Archie Amaga; John Paul Centeno; Brex Gonzales; Lemuel Gonzales; at Angelo Sesno Gualve, pawang mga residente sa Brgy. Lambakin, sa bayan ng Marilao.

Nakompiska mula sa mga naarestong suspek ang mga illegal gambling paraphernalia at bet money habang inihahan­da ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *