Thursday , December 26 2024

Pananakot ni Parlade sa lady journo kinondena (Journalism is not terrorism)

HATAW News Team

MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ang pagbabanta ni Lt. General Antonio Parlade sa isang lady journalist na isinulat ang balita kaugnay sa oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terror Act (ATA) sa Korte Suprema.

Nagbanta si Parlade, na gagamitin ang ATA laban kay inquirer.net reporter Tech Torres-Tupas ay nagbigay katu­wiran sa mga argumento na ang batas ay gagamitin laban sa mga kritisismo at hindi sumasang-ayon.

Sa magkakahiwalay na kalatas ng mga grupo ng mga mamamahayag, abogado, at human rights advocates, kinondena ang komento ni Parlade sa social media na nagpapahiwatig na kakasuhan si Torres-Tupas “for aiding terrorists by spreading lies.”

Binatikos ng heneral ang isinulat na balita ni Torres-Tupas hinggil sa mga Aeta na hiniling sa Korte Suprema na sumali sa petisyon upang maibasura ang ATA.

Sinabi ng Justice and Court Reporters Association (JUCRA) sa isang statement, kung nagsaliksik lang at nakinig si Parlade sa oral arguments, dapat ay nalaman niya na ang ginawa niyang posts sa social media na nagbanta na kakasuhan si Torres-Tupas ay ang tinutukoy ng mga petitioner na ebidensiya ng  “threat” kaya’t kailangan isagawa ang judicial review sa ATA na isinusulong ng heneral.

“Had Parlade also done his research and listened to the oral arguments, he would have known that posts like these are what petitioners claim as evidence of a credible threat of prosecution – threat that can warrant a judicial review of the law he seeks to protect and promote,” pahayag ng JUCRA.

“In a grotesque way, he is actually reinforcing and validating the myriad of objections and criticisms against the ATA,” ani Edre Olalia, National Union of People’s Lawyers (NUPL) President.

Nagpahayag din ng pagkaalarma ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pagbabanta ni Parlade kay Torres-Tupas dahil hindi lang sa mga kumukuwestiyon sa ATA niya ito ginagawa kundi maging sa mga mama­ma­hayag na nagko-cover sa judiciary beat.

Ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa banta laban kay Torres-Tupad at ibang katulad na pahayag at babala laban sa mga aktibista at journalists ay nangangahulugan na may basbas ito ng pamahalaan at iniendoso ang kanilang mga hakbang na taliwas sa ipinangalandakan nila dati na hindi gagamitin ang batas laban sa mga kritiko at hindi sang-ayon sa ATA.

“Government inaction on the threat against Torres-Tupas and on similar statements and threats against activists and journalists means government consent and even endorsement of those actions and belies the claim that the law does not target criticism and dissent,” anang NUJP.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *