Thursday , December 26 2024

P10K cash-aid isinulong ni Cayetano at aliados

PINANGUNAHAN ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang asawang si Taguig Rep. Lani Cayetano ang paghahain ng House Bill 8597, Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program, na naglalayong mamahagi ng dagdag na ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemyang CoVid-19.

Iminumungkahi nitong mabigyan ang bawat pamilya ng P1,500 o P10,000, alinman ang mas mataas depende sa bilang ng miyembro nito, sa ilalim ng  BPP Assistance Program.

“This bill ensures that each and every Filipino is given additional assistance, in recognition that we all have been affected by the pandemic, economic setbacks, and all  the hardships brought about in the year 2020,” pahayag ng mga Kongresista sa explanatory note nito.

Prayoridad ng programang mabigyan ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga nawalan ng trabaho, medical frontliners, pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga may Philippine National ID, at mga miyembro ng ‘mahihinang’ sektor.

Kasama sa may akda ng panukalang-batas sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Jr., Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at  ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Michael Defensor.

Kapag maipasa ang panukalang batas ay makatutulong para “lumakas ang household consumption, makatu­tulong ito sa pagbangon ng ekonomiya” na duma­nas ng pinakamatinding economic contraction mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa panayam ng mga reporter, sinabi ng dating Speaker, kung itutuloy ang pamimigay ng ayuda ay matutulungan hindi lang ang consumers kundi pati ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa.

“‘Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yon sa ating ekonomiya,” pahayag ni Cayetano.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *