Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
cyber libel Computer Posas Court

4 Caloocan employees kinasuhan ng cyber libel

SINAMPAHAN ng kaso ni Caloocan City 2nd district representative Edgar “Egay” Erice ng kasong cyber libel ang apat na kawani ng pamahalaang lungsod matapos gumawa ng social media meme gamit ang pekeng quote mula sa mambabatas.

Paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Law ang isinampa ni Erice sa Quezon City Prosecutors’ Office laban kina Marilou Santos Concon, Yvette Mari Cruz Hedreyda, Bernadette Belga Ignacio, at Genevive Lyn Gozon Pineda, pawang empleyado ng lungsod, kaugnay ng mapanirang paglalathala sa kanilang Facebook page.

Sa inilabas na publication material ng mga sinampahan ng kaso, ginamit ang larawan ni Erice kasama ng isang hindi kilalang kausap “kunwari ng mambabatas.”

“Ah sir, may katanungan lang po ako sa iyo, ano pong strategy para manalo kayo sa eleksiyon?” tanong ng  nakatalikod na kausap ng kongresista.

Nilagyan ng mga kawani ng sagot mula kay Erice ang tanong na hindi naman totoong nagmula sa mambabatas na ganito ang linya: “Sa totoo lang, wala kaming maisip na idea or strategy e… kasi hindi namin kaya siyang mapabagsak… sa tingin ko, para manalo ako, alam naman natin pera lang katapat ng ilang tao ngayon so siguro do’n ko na lang dadaanin at sa pagpapakalat ng fake news laban sa kanya.”

Ayon kay Erice, kailanman ay wala siyang inilabas na ganyang pahayag sa kahit anong forum o interview kaya maliwanag na pagsira sa kanyang pagkatao ang layunin ng malisyogong social media post ng mga empleyado.

Bagama’t sa Caloocan ginawa ang krimen, sinabi ni Erice na nagdesisyon siyang isampa ang kaso sa Quezon City dahil  bukod sa nasa lungsod ang kongreso na kanyang opisina, sinasabi rin sa Cyber libel na accessible kahit saan ang malisyosong online post ng mga inaakusahan kaya walang prohibisyon kung saan man niya idemanda ang mga kawani.

Batay sa Article 360 ng Revised Penal Code, kung saan nakatira o nag-oopisina ang apektadong indibiduwal at kung saan umabot ang malisyoso at mapanirang materyal o publication ay maaari itong magsampa ng demanda laban sa kanyang inaakusuhang sumira sa kanyang pagkatao.

Kaugnay nito, sinabi ni Erice na hindi maituturing na freedom of speech o freedom of expression ang anumang pahayag na makasisira sa reputasyon ng sinoman, lalo na kung ito ay inimbento lamang.

“Lahat tayo ay may kalayaan magpahayag ng ating mga saloobin ngunit hindi nangangahulugan na puwede na nating siraan ang ating kapwa, lalo na kung walang batayan,” sabi ni Erice.

Sa ilalim ng cyber liber law, ang mapapatunayang guilty ay posibleng makulong ng anim na taon at isang araw  hanggang walong taon o prision mayor na posible rin lumawig hanggang sampung taon.

Ayon sa law experts, bagama’t pinalakas ng internet ang malayang merkado ng palitan ng opinyon at malayang pagpapahayag, hindi nito binibigyan ng karapatan ang sinoman na sirain ang reputasyon ng alinmang grupo o inbibidwal kaya malaking bagay ang pagpapatibay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …