Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juliana, mahirap ligawan kung pipitsuging lalaki lang

UMUUGONG na naman ang tsismis na umano ay may boyfriend na ang unica hija nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Kung sabagay, natural lang namang maligawan si Juliana. Maganda iyong bata, matalino, galing sa isang mahusay na pamilya, at sino nga ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Kaya nga lang, iyang klase ni Juliana ang mahirap ligawan. Hindi maglalakas loob kahit na sino kung wala ka ring ibubuga. Unang-una, makalulusot ka ba kay Mayor Goma?

Nagsimula lang naman iyan sa mga lumabas na pictures ni Juliana sa social media na may kausap na isang poging lalaki, at mabilis silang gumawa ng conclusion, baka iyon na ang boyfriend niya, kahit na hindi naman nila kilala kung sino nga ang nasa picture na iyon.

Iyong nasa picture ay isang fencer, si Miggy Bonnevie Bautista ng Ateneo Fencing Team. Champion na siya sa kanyang class at sinasabi ngang isa na siyang Olympic qualifier. Ibig sabihin, magaling talaga siya. Si Juliana rin naman ay isang fencer, dahil naturuan siya ng tatay niya na isang fencing champion din. Kung natatandaan ninyo si Mayor Goma ay isang gold medalist noong 2005 para sa fencing sa SEAGames. Siya rin ang presidente ng Philippine Fencing Association. Kaya tiyak ding kilala niya iyang sinasabing nanliligaw sa kanyang anak.

May nagsasabing ang akala nila, ang nanliligaw kay Juliana ay ang anak ni Aga Muhlach na si Andres. Hindi naman totoo iyon, kinuha lang niya si Juliana para maging partner niya sa kanilang prom sa school, at mula naman noon wala nang nabalita.

Kahit naman sa biglang tingin, aba eh mukhang mas matino naman si Miggy kaysa male starlet na nabalita noong nanligaw din kay Juliana.

Pero kami talaga, ang feeling namin, wala pa iyan. Bukod sa pareho pa silang nag-aaral, kapwa sila may sariling goals sa sports, marami pa rin silang pangarap sa buhay. Dumadaan lang iyan sa stage na siguro nga nagkakagustuhan, pero kung sasabihin mong totohanan na, at mag-aasawa na, malayo pa iyon.

Iba rin naman kasi ang nakasanayang buhay ni Juliana sa mga parents niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …