BONGGA ang mahusay na singer/producer na si Carmela Bitonio dahil halos malibot na ang buong mundo para mag-perform at ipamalas ang husay ng Pinoy sa kantahan kasama ang kanyang banda.
Nalibot na nga nito ang China, Russia, at Maldives para mag-perform sa loob ng 12 taon at dito na nga niya naisip na tulungan ang ilang local aspiring singers na ipinag-prodyus ng album noong 2010 at isa rito si Romy Garcia na naka-duet niya sa isang kanta.
Na-feature na rin si Carmela sa iba’t ibang international radio stations sa ibang bansa at sa bawat interview, proud niyang sinasabi na isa siyang Pinoy.
Pero bago naabot ni Carmela ang tagumpay, nagsimula ang kanyang singing career nang maging parte ng banda na kumakanta sa isang piano bar sa Makati. At mula roon, tuloy-tuloy na ang suwerteng dumating sa kanyang pagkanta.
During pandemic, isa ito sa 15 artists featured in Pag-ibig sa Kapwa (the pandemic song) para sa isang collaborative project to raise funds for those affected by this pandemic at ngayong 2021 ay sinisimulan namang i-record ang mga kanta sa kanyang bagong album.
Irerecord na niya ang isang original composition sa Japan na iri-release sa buong Asya.
Ani Carmela, ”I did not expect the turn of events in my singing career which already took the back seat a decade ago. Getting recognized as an independent artist at this age and at a time like this (pandemic) did not even cross my mind at the beginning of 2020. Suddenly, my days (and sometimes nights) are spent on recording, filming and internet radio guestings. I am flattered but I am grateful for the people who believe in my ability as an artist.”
MATABIL
ni John Fontanilla