Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Kailangan tumakbo ni Sara sa 2022

POLITICAL survival at proteksiyon sa kanilang pamilya kung bakit obligadong tumakbo si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio bilang pangulo ng bansa sa darating na May 9, 2022 national elections.

Hindi kailangan kombinsihin ng mga kaalyado sa politika si Sara para tumakbo sa eleksiyon dahil alam niya kung ano ang mangyayari sa kanila, lalo na sa kayang amang si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kung ibang kandidato ang magiging pangulo.

At tulad ng taktika ni Digong, magiging urong-sulong ang postura ni Sara hanggang sa kalaunan ay kanyang pagbibigyan ang patuloy at paulit-ulit na panghihikayat ng kanyang mga kaalyado na tumakbo sa pambansang halalan.

Hindi pababayaan ni Sara na makasuhan o makulong ang kanyang amang si Digong, kung matapos man ang termino nito bilang pangulo, kaya’t pipilitin niyang manalo ang kanyang kandidatura bilang pangulo.

Alam ni Sara na naghihintay lamang ang kanilang political enemies na matapos ang termino ni Digong sa 2022 at kung meron bagong halal na pangulo, asahang magiging patong-patong ang ikakaso laban sa kanyang ama.

Hindi nakatitiyak si Sara na sakaling manalo bilang pangulo si dating Senador Bongbong Marcos o maging si Senator Many Pacquiao, ay madaling makaliligtas sa mga kasong isasampa ng kanilang mga kalaban si Digong.

Si Bongbong o si Pacquiao man ang maging pangulo, ang mga politiko, partido at mayaya­mang negosyante na palihim na tumulong sa kanilang kandidatura ay kinakailangang timba­ngin ang kanilang mga galaw bago lubusang tulungan si Digong.

At kung tuluyang magbabago ang political situation sa 2022, asahang kaliwa’t kanang panggigipit ang gagawin ng mga kalaban sa politika ni Digong, at tiyak kasama sa panggigipit na ito ang kanilang pamilya at kaalyado na nakinabang sa administrasyon.

Higit na mabigat ang magiging sitwasyon kung kalaban ang mismong mananalo sa pampanguluhang eleksiyon sa 2022 tulad ni Sen. Grace Poe at Vice President Leni Robredo dahil tiyak na kulong kaagad ang aabutin ni Digong.

Kaya nga, kailangang tumakbo ni Sara sa 2022.  Hindi siya dapat magpabaya para sa kanilang sariling survival at hindi sila mapahamak sa gagawing resbak ng kanilang mga kalaban sa politika.

At ngayon pa lang, alam na rin ni Sara kung sino ang mga nagbabalak na bumalimbing na kanilang mga kaalyado na patuloy na nakikinabang at nagpapayaman sa administra­syon ng kanyang amang si Digong.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *