IPAGBABAWAL muna ang pagkakaroon ng kahit anong aktibidad sa Chinese New Year sa 11 Pebrero, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo sa 120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD).
Ayon sa alkalde nagpupulong ang mga organisasyon ngunit tiniyak na walang paradang magaganap sa nasabing pagdiriwang.
Aniya, maagang naabisohan ang mga Filipino Chinese community sa lungsod na walang magaganap na event sa Chinese New Year.
Dagdag ni Mayor Isko, kabilang sa hindi muna papayagan ang mga concert at parada.
Sa ngayon, may mga paghahanda nang ginagawa upang sa gayon mas maagang maabisohan ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry in External Affairs dahil hanggang ngayon may banta pa rin ng CoVid-19 bukod pa sa bagong variant na kumakalat.