Saturday , November 16 2024

Doctor nandaya ng maraming Covid-19 swab test results (2011 PLE top-notcher)

NAGSAMPA ng kasong kriminal ang pangulo ng isang kilalang medical at diagnostic clinic sa Bulacan laban sa isang kapwa niya doktor na sinabing nameke at gumawa ng daan-daang CoVid-19 swab test results gamit ang mismong molecular laboratory ng una.

Bukod dito, pormal na naghain ng reklamong administratibo si Dr. Alma Radovan-Onia, taga-lungsod Quezon at medical director ng Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI), kay Professional Regulation Commission (PRC) Chairman Teofilo Pilando, Jr., laban kay Dr. Jovith Royales, manager at CEO (chief executive officer) ng Best Care Medical and Diagnostic Clinic sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City, upang matanggalan ng lisensiya bilang isang doktor.

Si Royales ay Top 2 sa resulta ng Physician Licensure Examination noong Pebrero 2011.

Sa kanyang complaint affidavit sa Valenzuela City Prosecutor’s Office, natapos ang preliminary investigation pero hindi sumipot ang respondent.

Sinabi ni Radovan-Onia na nauna silang nagkaroon ng verbal agreement ni Royales, dating malapit sa kanilang pamilya, na magdadala siya ng specimen mula sa mga pasyente gamit ang CoVid-19 test kits mula sa MMDCI na magsasagawa ng test sa branch nito ang Joni Villanueva Molecular Diagnostics Laboratory (JVMDL) sa Bocaue, Bulacan.

Nagpatuloy ang nasabing praktis hanggang noong 13 Oktubre 2020, tumigil ang Best Care sa pagpapadala ng specimen sa MMDCI laboratory para sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab testing.

Hanggang madis­kubre Radovan-Onia ang ginagawang panloloko ni Royales na paggawa at pamemeke ng swab test results.

Nabatid ni Radovan-Onia ang panloloko ni Royales sa pamamagitan ng medical technologist na si Dennil John Abucejo.

Si Abucejo ang uma­ak­to ngayong ‘whistleblower’ laban sa mga panloloko ni Royales. Nagbitiw siya sa Best Care at nagkusang isiwalat ang umano’y mga katiwalian sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Sa kanyang sariling affidavit, sinabi ni Abucejo na hanggang noong 1 Disyembre 2020 ay patuloy na tumatang­gap ng specimen ang Best Care mula sa maraming pasyente para sa CoVid-19 testing na isinasagawa sa laboratory nito sa Barangay Karuhatan gamit ang tinatawag na SD Biosensor Antigen procedure.

Aniya, nagmukhang genuine ang mga test result dahil siya umano’y inatasan ni Royales na gumawa ng template or format ng certification na nakasulat na ang swab tests ay ginagawa sa JVMDL gamit ang real-time polymerase chain reaction.

Bukod rito, sinabi ng whistleblower na si Abucejo, siya ay muling inutusan ni Royales na mag-print ng ‘RT-PCR CoVid-19 Swab Test’ gamit ang letterhead ng MMDCI, makaraang magreklamo ang maraming pasyente lalo ang mga bumibiyahe, dahil hindi tinanggap ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang dalang swab test results mula sa Best Care matapos madiskubreng walang “license to operate” bilang CoVid-19 (SARS-Cov-2) testing laboratory.

Dagdag nito, wala umanong nagawa si Abucejo kundi sundin ang utos ni Royales na nagsabing may pahintulot ang MMDCI bukod pa sa pagbabayad ng Best Care ng halagang P50,000 weekly pero matigas itong pinasi­nungalingan ni Radovan-Onia.

“By falsifying the swab test results, he (Royales) financially benefited and earned around P7,000 for every test result to the damage and prejudice of MMDCI,” ani Radovan-Onia sa kanyang reklamo sa piskalya.

Dagdag ng doktora: “If not for the timely revelation, indispensable cooperation and help of Dennil John Abucejo, I and MMDCI would not have known the criminal acts being perpetrated by him (Royales) who illegally used without our knowledge and consent our license to operate a CoVid-19 testing laboratory which not only prejudiced and damaged the reputation of our company but most importantly, endangered the health and life of the patients who all thought that the swab test results they got from Royales’ laboratory were real.”

Pormal na naghain ng ‘di pagsang-ayon si Radovan-Onia sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng kanyang liham kay Atty. Nicolas Luterio, director ng Health Facilities and Services Bureau ng kagawaran, makaraang malaman ang pagpapatayo ni Royales ng isang molecular laboratory sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

“We oppose to such application on the ground that he has been releasing CoVid test results to his clients even before its approval misrepresenting that such tests were conducted in our duly-approved molecular laboratory,” ayon kay Radovan-Onia sa kanyang liham.

Ayon kay Radovan-Onia, nagtungo sa kanyang bahay si Royales noong 3 Disyembre 2020 na agad siyang niyakap at halos lumuhod habang umiiyak sa paghingi ng tawad kasabay ng pagmamakaawa sa kanya at sa kanyang asawang si Atty. Irineo Onia na huwag nang ituloy ang kanilang planong pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa kanila.

“But we’ve found out that he was not true as he continued doing with his illegal activities, hence, my decision to file a criminal case of estafa and falsification of documents against him as we hope that the PRC would have his license revoked and the DOH would reconsider its decision,” ayon kay Radovan-Onia.

Determinado si Radovan-Onia na ituloy ang kasong isinampa laban kay Royales dahil gusto niyang mapanagot sa batas sa paggamit ng kanyang propesyon upang magkamal ng maraming salapi at lokohin ang daan-daang inosenteng pasyente sa gitna ng nararanasang pandemya dahil sa CoVid-19.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *