Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Nasaan ang gobyerno ni Digong?

NAKALULULA ang presyo sa kasalukuyan ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila at maraming maliliit na consumers ang hirap na kung paano mapagkakasya ang kanilang kakarampot na sahod para sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nasaan ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?  Sa harap ng mga nagtataasang presyo ng mga bilihin, mukhang walang solusyong ginagawa ang pamahalaan para lutasin ang malalang problemang ito ng mamamayan.

Sa totoo lang naman, hindi na talaga makatuwiran ang presyo ng mga bilihin ngayon sa merkado. Hindi kakayanin ng isang ordinaryong empleyedo na makabili ng kanilang pang-araw araw na ihahaing pagkain para sa pamilya.  E, saan nga ba makararating ang kakarampot na P537 suweldo ng ating mga manggagawa?

Mantakin mo ba namang umabot na sa halagang P400 hanggang P420 ang kilo ng baboy. Ang manok ay P180 hanggang P200; bangus P190 hanggang P200 at ang galunggong naman ay nagkakahalaga ng P240 hanggang P260.

At dahil maluwag ang administrasyon sa mga tiwaling negosyante, malaya silang nakapagdidikta kung anong presyo ang gusto nilang ipataw sa kanilang paninda sa kabila ng suggested retail price na itinakda ng Department of Agriculture, na kung tutuusin naman ay wala rin namang tulong.

Wala rin silbi ang Bantay-Presyo ng DA.  Ang sinasabi ni Agriculture Secretary William Dar na kanilang babantayan, huhulihin at kakasuhan ang mga tiwaling negosyante ay nanatiling ‘drawing’ lang dahil nga sa patuloy na pamamayagpag ng mga tusong negosyante.

Kaya nga humirit na rin ang mga labor group na kailangang itaas na ang kanilang suweldo sa harap ng patuloy na krisis sa presyo ng mga bilihin dahil hindi na kinakaya ng mga manggagawa ang pahirap na kanilang nararanasan sa ilalim ng gobyernong Digong.

Napakaliit ng kinikikita ng mga minimum wage earner na P537 bawat araw. Hindi  nito mapapakain ang kanyang pamilya lalo na kung mayroong tatlong anak na pawang mga nag-aaral at may binabayarang upa sa bahay, konsumo sa tubig at koryente.

Masasabing malupit talaga ang gobyerno ni Digong kung hindi kaagad kikilos para masawata ang mataas at patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin. Pati ang presyo ng mga gulay at bigas ay nagtaasan na rin at ang mantika, toyo, asukal at asin ay sumabay na rin sa pagsirit ng kanilang presyo.

Saan pa susuling ang mamamayan kung ganito rin lang ang sitwasyon na kanilang kinalalagyan? Sabagay nga, kung minsan, ang kagutuman ang nagbibigay rason para tuluyang mag-armas ang taongbayan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *